C8: Gian

224 12 2
                                    

TOOTSIE ROLL was barely breathing when the vet arrived with Jess and Rose. Pinaliwanag ko sa vet ang daratnan nito sa phone pa lang kaya binitbit nito ang kailangan para ma-recover ang tatlong puppies sa tiyan ng naghihingalong aso. The puppies made it. Nasa pen ang mga ito sa laundry room, nababalutan ng blankets. Gumawa kami ng make-shift incubator gamit ang mga bombilya ng ilaw. Poor Tootsie stopped breathing as soon as the vet was done with the puppies.

Hindi muna ako bumalik sa The Fritzelise at nag-stay ako sa resthouse sa gabing iyon. Hindi maalis sa isip ko na habang exposed kami ni Elise sa beach ay may nakapasok sa property ng mga ito para gumawa ng pinsala.

Anna said whoever it was hadn't been inside the house. Pagnanakaw ang hinala ng mga ito, na maaaring nasawata ni Tootsie. Walang nawawala sa bahay.

Nag-imbestiga ang mga pulis pero walang nakitang kakaiba ang mga ito maliban sa nangyari kay Tootsie. Wala raw namang nabawas na kutsilyo sa kusina, ayon kay Aling Celia. So, the perpetrator brought his own knife and took it away with him. Walang nakuhang ibang fingerprints sa balkonahe o sa hagdan pababa roon kung saan posibleng nagdaan ang nanloob.

Iyak nang iyak si Anna. Binili si Tootsie noong tuta pa dahil sa kakukulit ni Anna. Hanggang sa makatulog ito ay inaalo ito ng ina sa kwarto nito.

Si Elise naman ay nasa laundry room kasama ng mga tuta. Kailangang mano-manong padedein sa tsupon ang mga ito at halinhinan ito at ang ina, noong nakatulog na si Anna, sa pagpapadede habang si Aling Celia ay pinagpahinga at pinainom ng gamot dahil tumaas ang blood pressure.

Sinamahan ko si Jess sa paglilibing sa aso sa hardin. Dumating si Jason. Nagbantay kaming tatlo sa paligid, yamang hindi rin naman kami makatulog.

"Hindi ako makapaniwala... sa tinagal-tagal ko na rito, ngayon lang may gumawa sa amin nito. Ni wala kaming karanasang napagnakawan man lang. Tapos biglang ganito. Paano kung tao ang sinaktan nang kung sino mang iyon? Paano kung si Anna?"

"Tito, tingin ko ay hindi tagarito 'yon. Walang gagawa nito na tagarito," sabi rito ni Jason.

"And you and Elise were in the beach talking when you heard Anna scream?" tanong ni Jess sa akin.

Nakatiim-bagang akong tumango. Hindi ko makalimutang dahil ni hindi ko namalayang may ibang tao. We could have suffered the same fate as Tootsie and I couldn't have done anything to protect Elise.

"Pero hindi kayo ang pinerwisyo. Umakyat sa balkonahe at..." May bahagyang tremor sa tinig ni Jess, at tumikhim ito. Kasama ko si Elise. For all intents and purposes, Jess was thinking I was capable to protect her. But Anna was practically alone in the house because Aling Celia was old. If not for Tootsie...

Napatitig kami ni Jason sa kanya. Hindi mahirap isipin na hindi pagnanakaw ang motibo nang kung sinong salaring gumawa niyon kay Tootsie. Lalo na kung ang nag-aalala ay isang ama.

May dumating na mga tanod madaling araw na kaya kami nakapagpahinga. Tinanggap ko ang alok ni Jess na gamitin ang guest room para matulog. Pero mababaw lang ang tulog ko. Naririnig-rinig ko ang mga aktibidades sa bahay hanggang sa tumahimik na nang mahiga na lahat.

I desperately wanted to go to Elise. Naisip din kaya niya ang kutob ko? Kung totoo, ni hindi ko gustong hulaan ang iniisip niya ngayon.

Lumabas ako ng kwarto at mag-isang uminom muna ng kape sa kusina noong maliwanag na. Everyone was still in their beds. Matapos magkape, bumaba ako sa beach para mag-imbestiga muli sa paligid.

Gusto ko lang makumpirma ang aking kutob.

May isang pwesto sa taas ng burol ng buhangin mula sa aming pwesto kagabi na maaaring tumayo ang isang tao nang hindi napapansin kung madilim, lalo na kung abala ang mga nasa beach sa ibang aktibidades.

Nakarating ako sa spot at tumayo roon. May matataas na hibla ng cogon grass na abot hanggang mga balikat ko ang taas. I could clearly see our spot last night from where I was at right then.

Bumibigat ang aking dibdib.

Maingat sa aking tinatapakan, yumuko ako at inobserbahan ang buhangin. Wala akong makitang bakas ng sapatos o paa maliban sa tinapakan nang aking mga paa. But it being sandy and loose, no one could really say if somebody was standing here last night. Maaaring humangin nang malakas at pinatag niyon ang buhangin.

Inilibot ko pa ang tingin sa paligid, walang intensyong umalis hangga't hindi ko nagagalugad ang bawat surface na makikita ng mga mata.

Then my eyes caught something on the ground.

Lodged between two weeds was a familiar object.

It was the box of rose that I gave Elise last night. Idinaing ni Elise noong nakaalis na ang mga pulis na nabitiwan niya ang kahon noong sumisigaw si Anna. Maingat kong hinawi ang mga hibla ng damo habang nabibingi ang aking dibdib sa malakas niyong pagkabog. May ilang petals na nakakalat sa tabi ng kahon. But the rose itself inside the twisted box was in shreds. Parang winasak ng isang taong galit na galit.

Something else made my blood freeze in my veins.

There was dried blood on the box. If it was going to get tested, I was sure it would show Tootsie's blood...

Matapos ang ilang sandali, tumayo ako at tinawag si Jason.

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon