A1: Elise

1.2K 27 0
                                    

"ELISE?"

Napalingos ako sa tinig saka ako nagmamadaling tumulak sa swivel chair para tumayo. "Gian! Yes? Sorry, hindi kita agad narinig," nasambit ko. Pero nang mag-focus ang mga mata ko sa aking boss – or technically my mentor – ay natulala ako.

The office was sleek and modern in its black, gray and silver theme. It had pretty much kept up with the sleekness and beauty of its boss. But tonight, Giancarlo easily took over. Nakikita ko ang pinakagwapo at pinaka-hot na version niya ever sa mga sandaling iyon. Everything faded away from the beauty that was him so I had to really focus to hear what he was saying.

"Did I take too long?" sinasabi niya habang inaayos ang cuff links sa mahabang sleeve sa kaliwa niyang bisig. "Sorry, I was on the phone for a while with Mr. Harris trying to explain to him—"

"Okay lang," singit ko. Alam ko na ang tendency ni Mr. Harris magka-amnesia kapag accountability na nito sa kontrata ang pinag-uusapan. Meanwhile, nakatanga pa rin ako sa kanya habang pilit kong hinahanap para bawiin kung saan nagtago ang natitira ko wits. "Busy din ako, eh. Kasi... I was going over sa ano... sa... ano..."

"Sa ano, Elise?"

Napaangat sa amused niyang mukha ang aking tingin at imboluntaryong nag-init ang aking mga pisngi. My gaahhhd! Lagi na lang! Ito ang nag-iisang test na hindi ako makapasa-pasa, and it wasn't even his intention to test me. After two years of being his apprentice, I could still get caught off guards by his super handsomeness.

And what's worse? He knew it, and he didn't mind. A moot point, really, kasi lahat ng females sa buong building ay in love sa kanya.

Natatawa na nga lang siya sa akin, eh. He said I was supposedly the sister he never had. Wala ba akong pride? Kahit alam ko na iyon, para pa rin akong isang twelve-year-old na nawawala sa sarili tuwing nakakasalubong sa hallway ang aking crush sa school kapag ganitong ang tikas-tikas ni Gian. I wasn't even that kind of a twelve-year-old. Bakit kasi ang super pretty niya?!

Ang swabeng swabe pa naman niya ngayon, nangangarap na sabi ng boses sa aking ulo. Swabeng swabeng swabeng—

Oo na nga!

Yes. Pagdating sa beauty ni Gian, nagkakasundo kami ng Inner Amazona ko. I went crazy over Bella's Edward and Superman's Chris Evans... pero si Gian ay flesh and blood. Hindi siya napi-filter ng HD screen o ni kailangang magsalita ng rehearsed lines para magka-appeal. He was just, simply, a beautiful—

"Elise..." istorbo ng boses ng subject ng aking fantasy sa mapagpasensyang tinig. I should take my eyes away from him para hindi na niya magulo pa ang aking brain cells.

Like ngayon na? Hello?

Binaba ko ang aking mga mata. "I was going over sa party program na pinadala ng assistant ni Mommy mo," panimula kong muli sa mas steady na tinig. Dadalo kami sa Pre-Valentine's Fundraising Ball sa modernong mansion ng mga Verrazzano ngayong gabi kaya nagpalit kami pareho ng party attires. We should both be ready. So far, nasa schedule pa naman kami.

Yes. Get back on track, Elise. You both should be there in about 20 minutes, singit ng boses ng professional me sa isip ko.

Tumingin ako sa kanya para magpatuloy. Pero napansin ko ang kritikal na pagdaan ng mga mata niya sa akin, mula ulo hanggang paa.

Nagsara ang aking bibig nang mariin. Doing his inspection again. Ugh. My uber-protective stepfather did the very same thing to me and my half-sister Anna all the time we were growing up – and he was an ex-convict. Not that he was a real criminal. Napatunayang inosente ito sa krimeng ibinintang three years pagkatapos ng sentensya. Pero kumapit pa rin ang reputasyong iyon kasi tatlong taon itong nakisama sa mga hardened criminals sa loob ng Bilibid. So, that, plus his big built and his over six-foot frame, made him scary to those who didn't really know him.

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon