B4: Elise

219 13 0
                                    

NOONG KUMAKAIN NA kami ako nakatapos sa paglalahad sa masakit na mga kaganapan nang nagdaang gabi. Like, masakit, literally. Kaya nga noong sandaling nagkalaman ang tiyan ko ay uminom na ako ng gamot bago ko tinuloy ang pagkain. Ang hindi ko lang binanggit ay iyong nakita ni Gian ang naked boobsies ko. Baka bumalik na naman ang weird niyang hinala na may nangyayari sa amin nang walang kamalay-malay na pobre.

Galit na galit si Alia kay Shiela. Over sa wasiwas ang kutsara at tinidor niya sa ere habang nagpipigil magmura sa harapan ng pagkain. "Is she crazy?! What is wrong with her?! Ipakulong mo s'ya! This is not right! Hindi por que mayaman s'ya gagawin na lang n'ya kung anong gusto n'ya. I'm sure na ba-back-up-an ka rin ng mga Verrazzano, Elise. C'mon, sasamahan kita sa Malacañang!"

"Hindi ko siya ipakukulong," aniya. "Pero kailangang ituloy ng pamilya niya ang rehab niya ASAP as they promised. I got my medico legal last night. Pwede pa rin akong magsampa ng kaso laban sa kanya."

"Whaaaat-hh?!" angal ni Alia. "At baket hinde pa ngayon? Look at you! Dios ko! Never kong na-imagine makita kang may black eye, ever! Mahadera siyang payatot s'ya! Kapag nalaman ito nina Tatay—"

"Hindi pwede!" protesta ko agad. Dahil taga-Puerto Galera rin si Alia at childhood friends nga kami, kung maki-Inay at Itay siya sa aking ina at stepfather ay wagas pa sa sikat ng araw. Biro namin lagi na daplis kaming naging magkamag-anak kasi pinsan siya ni Jason sa father side habang ako ay sa mother side naman ng binata. Isa ang pamilya ni Jason sa mga disenteng Pereirang kasundo namin. "Susugod ang mga 'yon dito at masisisi si Gian. Gilting-guilty na nga iyong tao..."

Napangiwi siya. "Naku, oo nga. Lagot nga s'ya," nag-alala rin niyang sabi. Pero bumalasik muli ang mukha niya. "Makita ko lang ang bruhang 'yon, leche s'ya, gilagid lang niya ang walang latay!"

"Galit na galit rin si Madam Soniah kagabi. Pero childhood best friends si Madam at lola ni Shiela, si Donya Lucia. I really like kasi para siyang si Madam sa ugali. Gusto ko munang hintayin kung anong negosasyon ang gagawin nila, though she already said nga na anuman ang mapag-usapan, Shiela is going straight to rehab."

"Rehab lang? Rehab lang?! Parang dinaanan ng pison ang katawang lupa mo, gurl!"

"Or sa mental hospital depende sa diagnosis ng psychiatrist na titingin sa kanya."

Nag-angatan ang mga kilay ni Alia.

"Sabi ni Gian, mental case si Shiela, so may posibilidad na makulong siya sa mental institution pero palalabasing sa rehab lang. Alam mo na – yayamanin kasi."

"Wow. Talaga, ha? Talagang okay lang 'yon sa 'yo? Puwes, hindi sa aken! Dapat sa kulungan siya kasama ng mga masasamang tao!"

"Hindi rin okay sa akin, 'no? Syempre gusto ko siyang maparusahan. Pero kapag nagsampa ako ng kaso, may mga maku-curious sa gulo. Baka makalkal ang background ko. Ayoko pang mabisto. Hindi pa ako handa."

Sandali siyang napaisip saka nagbuntunghininga ng malalim. "Hindi pa rin okay mabugbog, Elise," sambit niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Bago ko mahulaan ang gagawin niya, sinundot niya ng hintuturo ang isa sa mga exposed kong pasa.

"Aray!"

"Exactly my point." Pinag-krus niya ang mga braso sa dibdib. "Ang tuwa ko lang kapag nalaman ito ng parents mo at ni Oma Beatrice. I bet you, they will want to sue. Mas maganda pa ngang malaman nila kung sino ka talaga para matakot sila," umuusok pa rin niyang litanya.

Nagbuntunghininga ako habang patuloy ang kaibigan ko sa panggagalaiti. Shocked pa si Alia. Knowing her, hahayaan ko muna siyang mag-steam off.

"Teka, anong sinabi ni Brandon?" bigla niyang tanong.

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon