E1: Elise

727 12 3
                                    

PAREHONG KAMING NAKAMAANG sa TV ni Alia habang nanonood sa news, tahimik na tahimik sa pakikinig, at nang matapos ay pinahina agad niya ang volume. Nagdikit na kami sa sofa na parang mga batang katatapos lang manood ng horror movie.

"Alia, na-check mo na ba kung okay pa ang pepper spray mo? Tingin mo, kailangan nating matuto ng martial arts or mag-aral na tayong mag-shoot?" tanong ko sa kanya.

Nakikita ko sa isip ko iyong image ng huling babaeng natagpuan. Nagpakita kasi ng picture nito noong buhay pa sa balita. She was just our age. Maganda siya. Pagkatapos niyon ay nakikita ko ang pamilya niyang nag-iiyakan, ang ina ay nagwawala, malapit sa bangkay na nasa body bag na diumano ay sa babae. Sinisigaw nitong napaka masunurin at napakabait ng anak nito. Na wala itong inisip kundi ang kapakanan ng pamilya. Na matalino ito sa school at maraming pangarap kaya ni hindi nagpapaligaw. Tapos namatay ito nang ganoon.

Nangingilabot pa rin ako.

"Naalala ko na naman 'yong pinsan ng workmate ko na nawala ring parang bula tapos noong nakita, bangkay na." Sandaling nanginig si Alia. "I can't believe this is happening."

"Mag-resign ka na kaya?"

Napatingin siya sa akin. "What? I can't. Sayang naman 'yung three years ko sa work ko," sabi niya. Pero nasa mukha niya na natatakot na talaga siya.

"Natatakot ako para sa 'yo. Laging madaling-araw ang uwi mo."

Umiling siya. "Sa office na ako natutulog hanggang umaga gaya nang sinabi sa news. Ayoko naman kasing naiistorbo ang tulog ni Jeremy kaya hindi ako nagpapasundo until umaga."

Pero hindi lang pala kami ang naalarma ng balita kasi nang mag-ring ang aking cellphone, tumatawag na ang Inay ko.

"Napanood n'yo ba ang news?"

"Opo. Nakakatakot, 'Nay!"

"Nightshift si Alia, hindi ba?"

"Opo."

"Kausap ko lang si Mareng Judith," sabi nito, habang napapatingin ako kay Alia dahil nagri-ring na rin ang cellphone niya. Ang Mareng Judith ng kanyang Inay ay ang ina ni Alia at ang malamang na tumatawag na rin sa kanya ngayon. "Dios ko, tatlong buwan na palang may nawawalang mga babae d'yan. Hindi ako makapaniwala na hindi pa rin nahuhuli ang kumikidnap. Nakakaawang mga bata!"

"Opo nga. 'Yong nakitang bangkay before itong nasa balita ngayon, pinsan pa raw ng katrabaho ni Alia, Inay."

"Ay, Dios ko. Kinikilabutan ako! Malamang na iyong mga naunang babae ay wala na, nakalibing sa kung saan pero hindi pa nakikita. Mabuti na lang at nakalipat na kayo ng tirahan. Pero mas mapapalagay ang loob ko kapag nakahanap na nang isa pang bodyguard mo si Gian."

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ang Inay ko dahil tatawagan pa nga raw si Gian. Nakikipagtalo pa si Alia sa ina niya noong ibinaba ko ang aking cellphone. Mukhang kinukumbinsi na naman siya ni Tita Judith na mag-resign at umuwi muna sa probinsya o kaya samahan na lang muna ako rito at maghanap ng online job or ibang trabahong hindi niya kailangang lumabas palagi para pumasok lalo na sa dis-oras ng gabi.

Pareho kaming tahimik nang ilang sandali nang sa wakas ay pinawalan na siya ni Tita Judith. Sa TV, nagsisimula na ang program na kasunod ng news.

"Umiiyak si Mommy," aniya kapagdaka.

"Anong balak mo?"

"Kailangan kong pag-isipang mabuti. I mean, dito rin naman sa loob ng BGC ang workplace ko. It's not like it's gonna be easy to get me kidnapped here."

"'Yong isang nawawala, dito rin nagtatrabaho, 'di ba?"

"Oo, pero hindi masabi kung dito siya sa loob kinuha o sa labas kasi nakatira siya sa Makati."

Natahimik na naman kami. Alam kong gusto nang pagbigyan ni Alia ang ina pero ang weird sa amin na matatakot siya sa nangyayari to the point na ganito ang epekto – na mag-resign sa trabaho. Parang nanalo na rin ang kriminal.

"Akala ko ba, sa daming tsismosa sa Pilipinas, hindi magbi-breed ang serial killer dito," nasabi ko na lang out of the blue.

"Apparently, may nakalusot," sagot ni Alia sa miserableng boses. "I really hate hearing my mother cry."

"I know."

Isa pang tawag ng ina niya ng linggong iyon at nag-tender ng resignation si Alia. Isa na namang bangkay kasi ang natagpuan. Panalo ang serial killer.

For now.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon