B3: Elise

235 12 1
                                    

NANG MULI AKONG MAGMULAT ng aking mga mata, umaga na. Kahit nakaharang pa ang makakapal na mga kurtina sa mga bintana ay nakakalusot ang ilang hibla ng liwanag sa loob ng kwarto.

Naalala ko ang mga nangyari nang nagdaang gabi mula sa pagkabugbog ko hanggang sa aking bangungot at ang mga salita ng pang-aalo ni Gian pagkatapos kong managinip nang masama. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Everytime I had that nightmare, depressed akong nagigising. There would be a very heavy feeling in my chest and I wouldn't get up or eat. At iyak ako nang iyak.

Pero walang ganoon ngayon. There were my injuries. My head was throbbing like crazy, and my eyes felt bloated and on fire. It was time I take my next batch of meds.

"Uuunnngghhh..." naiungol ko sa magkahalong daing at inis. It wasn't this painful last night. Bakit ganito?

The next time that bitch ever comes near me, I'll shoot her. I swear, mag-aaral talaga akong bumaril at kukuha ako ng lisensya at bibili ako ng baril. Aray kooo...

Bumangon akong maingat ang kilos. Sa side table ng kama, nakita ko ang note ni Gian.

Elise,

I had to leave before six. Jason on the sofa. He'll come down when your friend arrives. I'll be back. Be careful and stay in.

- G

Napaangat ang isa kong kilay. Kung maka-I'll-be-back parang nananakot, ah!

Dumating na si Alia. Naririnig ko ang pagkanta niya sa parteng kusina. Ibig sabihin, bumaba na si Jason. I didn't think he told her anything. Alia singing meant she still didn't know, which meant that I would get the full brunt of my friend's hysterics when she finds out.

Jason naman, eh!!!

Nagbuntunghininga ako. I really needed my meds and they were in the kitchen. Kailangan ko ring kumain muna. Kapag hinintay ko pang pumasok si Alia sa bedroom niya para matulog, made-delay ang inom ko ng antibiotics ko at, worse, magagalit siya sa pagtatago ko.

Lahat na yata ng klase ng ngiwi ay lumabas sa mukha ko habang naglalakad ako patungong kusina. Parang maging bawat hibla ng buhok ko at mga kuko, kumikirot. To compensate, tahimik kong minura bawat himaymay ng buong pagkatao ni Shiela sa bawat step. Slight lang ang hindi ko inalipusta. Nagtira nang konti para sa karma.

Dinatnan kong sino-solve ni Alia ang dilemma kung paano mapagkakasya ang dalang grocery sa fridge na natambakan ng mga pagkaing pinadala ni Madam kagabi. Nakangiti pa nga siya noong bumaling sa akin. Nang makita niya ako, nabitiwan niya ang refill pack ng mayonnaise at bumagsak iyon sa sahig. Nabura ang ngiti niya at napalitan ng shock.

"My God! Anong nangyari sa 'yo?!" irit niya nang makabawi. Windang niyang hinila ang earphones sa mga teynga. "Bakit ka may black eye at kalmot at pasa?" Tapos, nanghilakbot ang mukha niya at napatigil siya sa pagsugod sa akin. "Oh no...! May... may nanloob ba rito?! May—"

"Walang nanloob dito, okay?" sabi ko agad bago pa himatayin ang pobre kong best friend.

Mukhang nakahinga si Alia nang maluwag sa aking sinabi. Pero isang sandali lang at pinandidilatan na uli niya ako. "Ano ngang nangyari?!" irit pa rin. Ang daming exclamation points.

"Nabugbog ako ng ex ni Gian," nakangiwi kong amin habang nauupo sa isang stool. "Hindi kita masabihan kagabi kasi ayokong magmadali kang umuwi, what with these missing women still happening." Napatingin ako sa kalat sa tiles. "Hay... sayang ang mayo."

"What?! Mayo? Pebrero pa la—?" Sinundan niya ang tingin ko sa sahig. "Ay, leche! Pakialam ko sa mayo?! Bakit ka binugbog? May ginawa ba kayo ni Gian?!"

Ni bago ako makaisip nang isasagot, humingal siya – maingay at malalim at dramatic na hingal, complete with bulging eyes. Bago ako makabawi sa shock na ni naisip niya iyon, nagsayaw na naman ang exclamation points sa ere habang nagmamartsa siya pabalik-balik.

"Sinasabi ko na nga ba! 'Yang pagiging close n'yo ng boss mo, may kahihinatnan!" Umasim ang mukha niya at bigla siyang bumaling sa akin mula sa pagmamartsa. "And you didn't tell me! What? Kailangan ko pa kayong—"

"Gaga! Tigil! Tigil ka muna. Hayaan mo muna akong magkwento, okay? Pero iinom muna ako ng gamot." Nakangiwi pa rin, namilantik ang mga daliri kong tinuon sa aking sentido. "Pero kailangan ko muna ng breakfast..."

Noong sinilip ko siya sa isang mata, hinihila na niya ang isa sa mga silya sa mesa at minomosyonan akong umupo. "Sit. Tell all, ha? Anong gusto mong breakfast? Upo ka lang d'yan and I'll cook."

Nagtanong pa raw? Alam ko namang corned beef with patatas ang bagsak namin dahil iyon lang ang kaya niyang iluto nang hindi bukas ang 'How to cook corned beef with potatoes?' sa YouTube. "Corned beef, please?"

Kinukuha na niya ang lata ng corned beef sa cupboard bago ako ni matapos sa pagsasalita.

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon