PART FOUR

164 8 0
                                    

GUMIGIRAY SA PAGLAKAD ang dalawang lasing na lalaki sa beach, kumakanta-kanta sa kalasingan habang hawak nang isa ang bote ng gin sa nagwawasiwas na kamay. Mayamaya, inangat nito ang bote sa bibig saka uminom, saka nadismaya nang wala nang natira pa sa laman ng bote.

May sinabi ito sa katabi pagkatapos ay nagtawanan ang mga ito. Itinapon ng lalaki ang walang kwentang bote sa buhangin saka nagpatuloy sa magiray na paglakad ang dalawa.

Mayamaya ay napatigil ang isa saka may tinuro sa tubig, malapit lamang sa mga along humahampas sa buhangin na nilalakaran ng mga ito. Bumitiw ito sa balikat ng kasama saka sumuong para kunin ang anumang nakitang lumulutang doon, saka hinila iyon patungo sa pampang. Isa iyong malaking sakong may tali at may kung anong laman sa loob.

Pilit kinalas ng mga ito ang tali. Mula sa loob, umalpas ang kung anong bilog na hugis palabas ng bunganga ng sako.

Nahulasan bigla ang dalawa at nagsisisigaw habang sa buhangin, nakalatag ang ulo nang isang babaeng walang buhay. Ang mahaba nitong buhok ay nasa buhanginan, nilalaro ng alon at mistulang gustong bawiin pabalik sa kaibuturan niyon...

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon