THREE

286 14 0
                                    

"AYYY... sandali, sandali. Tigil muna tayo. Tigil..." Tumabi sa jogging trail sa kakahuyang iyon at sumandal sa puno ang babaeng mataba. Humihingal na ipinahid nito sa pawisan nitong noo ang likod ng kanang kamay bago ipinaypay iyon sa sarili. "Haaaay. Sino bang nakaisip ng lintek na ideyang dito? Bakit ako nadamay dito ulit?"

Nakangisi pa ang kasama nitong babaeng nag-jog pabalik sa kung saan na ito nakarating sa unahan ng trail. "Kasi may crush ka na puro sexy ang dine-date? C'mon, Betty. Konti na lang nasa labas na tayo. Then pwede ka nang mag-almusal."

"Mag-almusal? Lawit na nga dila ko, Lorna. I dunno if I can make it pa sa labaaaas!" paiyak na ngalngal ni Betty.

Umabot ang kamay ni Lorna sa braso ni Betty na nagpahila naman sa kaibigan. Pero mabigat ito at sandaling nawala sa balanse si Lorna kaya napatukod ito sa katawan ng puno. Nagtawanan pa ang dalawa.

"Akala mo magaan ako, ano?" tudyo ni Betty.

Sasagot sana si Lorna pero napatigil ito. She crinkled her nose. "Bakit ang baho? Amoy bulok. Ukh. May namatay sigurong hayop dito." Tinakpan nito ang ilong ng kamay habang naghahanap ang mga mata sa kung saan maaring nanggagaling ang amoy.

"Ay, oo nga. Saan 'yon? Dios ko!" Nakatakip na rin ang kamay ni Betty sa bibig at ilong nito.

"Kasi nagalaw mo ito," sabi ni Lorna, tinuturo ang ilang mga bato na nakasalansan sa gilid ng trail. Ang mga nasa ibabaw ay gumulong patungo sa gilid.

Pero natigilan ito habang napapatitig sa kung saan gumulong ang mga bato at buhangin.

"Be-Betty? Na-Nakikita mo ba ang nakikita ko...?"

Sa tabi nito, hindi gumagalaw si Betty. Hinawakan nito ito. Ang nahawakan nito ay ang nanlalamig na braso ng kaibigan.

Kasi nakatingin na rin ito sa lupa – sa balikat nang isang hubad na babaeng nakausli sa dumi at tuyong mga dahon sa sahig ng kakahuyan. Chunks of her long hair were entangled with the roots of the tree where they were both leaning onto, dirty and dry and coming off the rotting head that lay face down on the earth.

Sabay pang umirit ang magkaibigan bago pumihit at tumakbo, si Betty ay nangunguna pa kay Lorna sa sobrang sindak nito...

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon