B9: Elise

226 10 0
                                    

SA SECOND STOREY BALCONY na sinasabi ni Gian mismo ay sabay pa naming narinig ang boses ni Brandon, habang may ka-argumento ito. Nakilala ko agad ang accent ng female voice na narinig ko kaninang umaga sa phone call. Iyong kinataranta ni Brandon. Nagta-Tagalog din naman pala, maarteng Taglish na gaya nang kay Shiela.

At dahil d'yan, kasama ka na sa listahan ko ng Mortal Enemies, kung sino ka man.

"Why will you not show yourself out there? Kailangan ka nilang makita."

"I don't care. I don't like to go out there. Just stop, damn it!"

"Pero gusto ni Papa, bumaba ka at makihalubilo sa mga bisita with me."

"Ayoko sabi, Lisette!"

"Are you kiddin' me? The fiancé can't be freakin' missin' when the engagement's announced. Nakakahiya!"

Pareho kaming nakatigil ni Gian sa baba ng balcony. Nakanganga akong napatingin kay Gian. Nakaka-shock pa rin kahit may kutob na nga akong may ibang babae. Pero... engagement?

"I don't care what the guests think," narinig kong maktol ni Brandon. "Why did we have to do this here? Bakit hindi na lang sa ibang bansa?"

"Why not? Baka mabisto ka ng lover mong provincial?"

"Promdi," mahina kong react sa tabi ni Gian. "Don't make it sosyal. And excuse me, we're not lovers."

"Shh," saway ni Gian.

Nagtiim ang mga labi ko. Pareho pala kaming gusto pang mag-eavesdrop.

"Lisette, you don't know anything about her."

"Because she's a nobody!"

Napatuwid ang likod ko. Aba... bitsesang 'yon, ahhh!

"Girlfriend ko si Elise, Lisette," nagtitimpi ang tinig ni Brandon. "She isn't a nobody."

Napatigil ako sa pagpalis ng kamay ni Gian sa balikat ko. So, he at least cared enough to do that.

Pero tumatawa si Lisette. "Tell that to your parents. Wan-ta stop the wedding? Your dad will kill you first."

Napakunot-noo ako. Narinig ko ang bitterness at sarcasm sa tinig ni Lisette. She sounded like she didn't like the situation, too. Ano ba talagang nangyayari?

"Who cares? I'm dead if Gian finds out about this," sagot ng nanlulumong tinig ni Brandon.

Wait. Whut again? "Takot s'ya sa 'yo, pero hindi sa 'kin gayong ako ang niloloko?" inis kong anas.

Sa tabi ko, nakarinig ako ng tawa. "You are silly."

"No. He is dead. Ako mismo ang sasakal sa kanyang ungas siya!"

"Really, eh?" biglang sabi ni Lisette sa taas, akala ko tuloy narinig niya ako. "You knew about the rumors about him and her."

"Lisette, you should know better than to listen to my cousins."

"Wala silang secret affair? Come on...! He's hot! I'll take him anytime if she won't."

"Para lang silang magkapatid," sinasabi ni Brandon sa balewalang tinig. "Kahit player si Gian, malaki ang respeto n'ya kay Elise."

"I am not a player," protesta ni Gian sa tabi ko.

"You are silly," balik ko sa kanya ng mga salita niya.

"Why?" curious na tanong ni Lisette. "Sabi nila mayaman si Girl sa province nila but not like old money. Her mother's just some or other successful hotelier."

"Akala ko rin noong una. Before I met her I really thought it was true. In fact, naging interested ako sa kanya because of those rumors."

"Really?"

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon