B6: Elise

215 11 0
                                    

IT WAS THE MIDDLE of the afternoon. Kaliligo ko lang at kakabihis noong sinabi ni Alia na nasa salas si Gian. It was just a simple strapless house dress, really, para maiwasang makuskos ng tela ang mga kalmot ko. Pero nag-bra ako bago lumabas ng kwarto.

"I didn't really think you'll come back kasi Sunday ngayon. Checking on... me?"

Sa sumunod na sandali, napatanga ako sa isang Gian na naka-ripped jeans, puting v-necked t-shirt, at sneakers. Ni hindi nakasuklay nang maayos ang buhok niya. Bahagyang kulot at overgrown, lagi iyong naka-combed back at kontrolado ng hair wax pero ngayon ay parang sinuklay lang ng mga daliri niya. Wala rin siyang suot na jacket kaya kita ang bukol ng mga pandesal sa mga braso. He looked casual. He really looked good. He looked...

May nag-flip sa aking puson, tapos parang natunaw.

Shit. Napapadalas na, huh?

Pero napansin ko ang tingin niya. At napalunok na lang ako habang unti-unting nagdidilim ang mukha niya noong iniisa-isa na niya ang bawat sugat at pasa sa exposed kong balat. Mas makulay pa mandin ngayon ang mga iyon.

"They're not as bad as they look," nasambit ko.

Napapitlag ako nang parang haplit na umakyat sa mukha ko ang mga mata niya. Obvious sa naninisi niyang tingin na hindi kami pareho ng opinyon. Lalong nangulot ang mga kilay kasi nakikita niya ang aking violet na black eye. "What about that wound on your head?"

"Masakit pero k-konti lang. Hey! A-Anong ginagawa mo?" Nakalapit na siya, at namalayan ko na lang ay nakaupo na ako sa sofa at pinaparte na niya ang buhok ko.

"Elise... damn it..."

"B-Bakit?" kinabahan ko tuloy tanong. "Bumuka ba? I swear, nag-ingat ako. I was supposed to ask Alia to help me na lagyan uli ng gasa pero dumating ka bigla. So umalis na siya." May appointment ang kaibigan ko sa dentista.

"I'll do it."

"Natanggal ko ba ang stitches?" natakot kong tanong. I did not really mean to get it wet. Pero ang dumi na ng buhok ko, hindi ko matiis hindi i-shampoo.

"It's still there but you've soaked the gauze and it looks terrible! Stay there."

Kinuha niya sa kusina ang gamot ko at first aid kit. Sa sumunod na sandali ay nalinisan, na-disinfect at napalitan ng bandage ang sugat sa ulo ko. It was one of those moments. I dare not make a single move.

"Okay na?" tanong ko noong ibinaba na niya ang mga kamay mula sa ulo ko.

"You still look terrible," sabi niya, nakatingin sa mga kalmot sa aking exposed na balikat.

"Kahit anong sugat, terrible makita. Pero you know what's more terrible?" tanong ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. "'Yong marinig mo ang nanay mo na umiiyak sa phone sa sobrang pag-aalala sa 'yo at ni hindi ka handa sa tawag niya." Naninisi ko siyang tinitigan.

"Elise..."

"How did you survive your call?"

Bumuka, tapos ay sumara, ang bibig niya.

Napaismid ako. 'Buti nga. "Bakit ka ba narito?"

"Mom wants me to drive you to Tagaytay. She still feels horrible, she wanted to do something for you."

Napabuntunghininga ako. Madaling paniwalaan iyon. "Gan'on ba?" Nag-iisip ako nang idadahilan para hindi sumama. The Verrazzanos were a bunch of overprotective freaks at pasimuno si Mudra.

"I'm driving you up there."

"What?!"

"Pasalamat ka na hindi charter flight to Bali ito dahil sa injuries mo. You know you can't say no."

"Pero..."

Umangat ang isa niyang kilay, at matapos ang sandaling deliberasyon, isinara ko ang aking bibig. Tama siya. Hindi ako makakatanggi kay Madam. "Hanggang kailan?" sa halip ay tanong ko. Tapos, nang makapag-isip pa: "Iiwan mo ba ako r'on?"

Hindi siya nakapigil mapangiti. "Of course not. We'll both be on leave."

"Good, good," nasambit ko. Like mother, like son. Kapag guilty si Madam Soniah, pwede kang masakal sa atensyon niya. Literally. Dapat naroon si Gian as buffer.

"How about getting your things ready now para makaalis na tayo?" aniya sa mas marahang tinig.

"Okay. I'll text Alia para alam niya." Naghanda akong tumayo para magtungo sa kwarto ko.

"May after-dinner cocktail nga pala sina Brandon sa resthouse nila sa Tagaytay tonight at invited sina Dad," bigla niyang sabi. "My parents had to decline. The party will be on the 12th day of the month."

December 12th. Iyon ang date na sinagot ni Madam Soniah si Sir Angelo years ago. Tradisyon ng mag-asawang mag-date sa araw na iyon kahit hindi sa mismong month. Hindi tuloy nakapagtataka kung bakit sobrang strong pa rin ng relasyon nang dalawa.

Pero hindi iyon ang importante sa sinabi niya. Bumaling ako pabalik sa kanya. "Sa Tagaytay ito?"

Kumunot ang noo niya. "Earth to Elise. I did say Tagaytay. Nakikinig ka ba?" Isa pang titig sa akin at naunawaan niya. "You didn't know."

"Are you sure?"

Nagtataka na siya. "Yes, I am. Why? What's wrong?"

"Huli kaming nag-usap ni Brandon – na kanina lang – sabi niya ay lilipad sila ng Mommy niya today sa Baguio."

Bahagyang naningkit ang mga mata niya. "So, he's really back."

Mas naniningkit pa ang mga mata ko sa kanya. "Kailan natanggap ni Madam ang invite?"

"Two weeks ago. Elise? Is everything okay? I did not mean to—"

"Kailangan kong mag-apply ng ointment sa sugat ko," sabad ko. No, you don't get an excuse. You just don't bring things up. You don't do anything without deliberating. You knew that something is wrong.

"I'll help," aniya.

"Sure," ni hindi nag-iisip kong sabi. Kailangan naming makarating sa Tagaytay as soon as freaking possible to find out if Brandon was really there. And if that woman was there... Bakit kinukuha ni Gian ang ointment tube sa purse ko? Binalikan ko ang conversation namin at... "Ay! Huwag na. Ako na lang. Kaya ko na."

Whoa. Kumunot ang mga kilay. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa parte ng mga balikat kong walang sugat – hinawakan akong parang manipis na manipis ang aking balat at masusugatan sa konting diin – at pinihit ako paharap sa kanya.

"Stay still," utos niya.

"Pe—"

"Elise."

Sa sumunod na sandali, tiniis ko ang full attention ni Gian. Consious much. Oo nga't nakita na niya ang boobsies ko pero wala iyong malisya. Naging yaya ko siya sa nagdaang mga araw pero alam kong kasi nga protective siya sa akin bilang kuya. Pero habang lumalapat ang daliri niya sa aking balat na ingat na ingat, minsan napapapikit ako. Something was wrong. Bakit para akong kinukuryente ng bawat pahid? Para daliri lang niya ang lumalapat sa akin. It wasn't like...

Whoa. Napapitlag ako.

"Ano ba, Elise?!" aniya.

"Huwag d'yan... nakikiliti ako..." reklamo ko, kinikiling ang ulo palayo sa kanya. Pinapahiran niya ang isang sugat malapit sa aking leeg.

"Sandali lang ito," aniya.

Napilitan akong tumigil sa paglayo dahil sa tono niya. Like he was saying I was being silly. Tapos, noong pumapahid na ang daliri niya sa sugat, napapikit ako.

"It's done. You can open your eyes now," narinig kong marahan niyang sabi.

Nagmulat ako ng mga matang nanlalamlam. Nagkatitigan kami sandali. Siya ang unang umiwas ng tingin at tinakpan ang tube ng cap niyon bago binalik sa purse. Pero pareho kaming namumula. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi habang iniiwasan kong tingnan ang pamumula ng mukha niya. It was the worst of the most awkward moments I could remember between us.

"Magbibihis na ako," sabi ko habang tumatayo sa sofa.

"I'll wait for you here."

"Sige."

Tumakas na ako sa aking kwarto.

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon