D4: Elise

177 6 0
                                    

NAG-ANGAT AKO NG TINGIN mula sa tablet kong hawak kung saan ko pinipili ang panonoorin nang gabing iyon dahil sa katok sa aking bedroom door.

"Yes?"

Bumukas ang pinto, at sumilip si Alia. "I'm going to work. Are you sure you'll be fine here alone?"

Nagi-guilty akong ngumiti sa kaibigan. "Sorry talaga. I promise, I'll be fine. I'm not going to do anything drastic anymore. I swear."

Hindi mukhang kumbinsido ang kaibigan ko. "Don't you dare say it. Just do it. Papupuntahin ko ba si Jason dito para may kasama ka?" Nasa apartment pa rin si Jason, doon pa natutulog habang may last-minute pang inaayos sa apartment building. Pero nakahanda na ang kwartong tutulugan nito sa unit. "Please, kung lalabas ka hintayin mo akong umuwi. No more malling for now, at huwag na huwag kang hahawak ng scissors."

Natatawa ako. Sinasadya ni Alia maging OA pero alam kong genuine ang pag-aalala niya. "Okay, okay. Scoot. Male-late ka na sa work!"

Sandali pa niya akong tiningnan, nagdududa.

"Thank you for saving my hair!" sambit ko. "Okay? I will be eternally grateful."

Lumabi siya, saka nakatirik ang mga matang umiling-iling. "Basta hindi ka muna lalabas nang hindi ako kasama. Getsung?"

"I don't plan to go out," aniya. "Balak ko lang mag-marathon ng Kdrama." Noong nasa probinsya ako, naghabol ako sa mga babasahing business books sa Kindle ko kasi puro narito sa Manila ang physical books. Hindi ako nakahabol sa plano sana naming i-binge watch pero nakatapos na siya habang nasa bakasyon pa ako.

"Good. Just stay put."

"I will."

Matapos ang isa pang mahabang buntunghininga, sinara na niya muli ang aking pinto. Naiiling kong pinakinggan ang papalayong mga yabag niya bago siya umalis.

I was grateful that Alia was able to save my hair. Mas maikli sana ang gupit niyon kasi iyon ang binigay kong instructions sa nag-asikaso sa akin. I didn't know what got over me. Mabuti na lang talaga umangal si Alia at kinontra ako. Kinuntsaba pa ang hairdresser na manghinayang din sa buhok ko.

Nang lisanin namin ang salon, it was trimmed just a few inches down my shoulders, when it used to be down to the middle of my back.

Napangiwi ako.

Okay, so aminado ako. Mas mahaba ang naputol kaysa papayagan ko kung nasa normal akong pag-iisip, even after ng intervention ni Alia. Nakakatawa lang na akala niya, tungkol pa rin sa nangyari sa amin ni Brandon ang nakabaliw sa akin. Hindi ko pa rin kasi nasasabi sa kanya ang bago sa amin ni Gian.

Noong nasa probinsya pa ako, nagawa kong abalahin ang sarili ko sa maraming bagay. Pero ngayong nakabalik na ako rito at alam kong nasa malapit lang siya, hindi na ako mapalagay. Hindi naman ako makaangal kasi ako ang nag-impose ng two weeks na walang contact. Dusa tuloy ako.

Napatitig ako sa aking gustong panoorin. What's Wrong with Secretary Kim?

Then something clicked.

The boss and his secretary.

I ended up reading a thriller book. Iyong walang kinalaman sa romance.


SUNDAY WAS a bit better. Alia bought sage and had a friend help us smudge the new space with affirmations and chants and all that spiritual hoolah. I really enjoyed it. D-in-isable muna ang smoke detectors sa floor so we could do this.

Then we had lunch. Nagluto kami ni Alia pero ang iba ay take out na dala nina Jason at Jeremy. Napansin ko tuloy na going better ang relasyon nang dalawa. Komportable sila sa pagpapakita sa amin ng lambingan nila. I was happy for them and the fact na magkasundo sina Jason at Jeremy. Kasi, may pagka-OA din sa protectiveness si Jason sa amin ni Alia pagdating sa mga manliligaw.

We watched a horror movie in the afternoon. Sa labas na kami kumain ng early dinner. So far, so good. I took a long soak on the tub and readied things for work tomorrow.

Itinuloy ko ang thriller book na binabasa ko noong mahiga na ako hanggang makatulog.

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon