B5: Elise

196 11 1
                                    

NATUTULOG NA SI ALIA sa kwarto nang tumawag si Brandon. Habang inaangat ko sa may teynga ko ang cellphone, distracted ako. Katatapos lang mag-iiyak ng Inay ko sa kabilang linya kasi alam na nito ang nangyari sa akin kagabi. Gian had felt obligated to report. Last night was something he would think my parents should know, even if it would make him look bad.

Of course! I should have known! Classic Gian talaga.

So nataranta ako sa pagpapatahan sa Inay ko at pag-a-assure sa iba pa na hindi naman ako nabugbog masyado. Mabuti na lang at na-distract ko ang mga ito sa request na video call dahil mahina ang signal sa amin. Mas malinaw ang tawag sa regular line. At may flu si Anna. Not that I wanted my half-sister sick, but if they would see my black eye, susugod sina Inay dito!

Kabababa ko nga lang ng cellphone nang mag-ring uli iyon at pangalan ni Brandon ang nasa screen. Halos wala sa isip na tinanggap ko ang call.

"Honey! Baby! I miss you! How's my beautiful girlfriend?"

Napaangat ang aking mga kilay. Pinilit kong iniwan ang naunang call para mag-focus sa bago at pinakiramdaman ko ang sarili.

Yep... hindi ko na nararamdaman ang spark kapag naririnig ko siyang tinatawag akong beybeh. I realized, after the first two seconds, that I didn't even know what to say back to him.

In fact, I didn't feel like responding. Pakiramdam ko, naistorbo ako ng tawag niya. Makikipag-break up na ba ako?

Pero over the phone? Isn't that tactless?

Sure. Forty ka na, beh? Naghahabol ka na ba sa kalendaryo? Kahit gusto mo nang kumalas kung wala naman lagi ang kakalasan mo, maghihintay ka pa rin, beh? Feeling mo may forever?

Bakit naging tono ni Alia ang boses ng konsensya ko?

"I didn't know you were home," aniya kay Brandon sa huli.

"We flew back very late kaya ngayon lang ako nakatawag. I'm sorry, sweetie. You know I can't control that. So, how was the party? Nag-enjoy ka ba?"

Ilang sandaling hindi ako agad nakapagsalita. So, he'd been here since last night and he didn't even bother to call me or send me a message? Kagabi iyon, na dapat ay kasama ko siya sa party ni Gian. Hindi ba niya naalala na meron din siyang invitation? "What time ka dumating kagabi?"

"I think... mga seven?"

Napatitig ako sa dingding sa tapat ko lang. Naniningkit ang aking mga mata. He had time to get to at least half of the party. Nakarating kami ni Gian doon at almost eight p.m. Tapos mga almost nine-thirty na nangyari iyong kay Shiela.

If he had been there, hindi sana ako nabugbog!

Nilunok ko ang paninisi. Ni hindi niya pinansin na hindi man lang ako nag-'Ah-mis-yuuu' o kaya ay 'Mahal, bakit ngayon ka lang tumawag?' At 'yong 'Ahm sorry' niya, parang naalala lang sabihin. Hindi convincing na apologetic siya.

Ikukwento ko pa ba ang nangyari kagabi? Dapat yata. Kasama sa boyfriend clause somewhere. Kahit lumalakas ang pakiramdam na tama yatang makipag-break up na ako sa kanya.

Pero may sariling kumpisal si Brandon kaya distracted din siya. Ni hindi niya napapansin na hindi pa ako sumasagot noong magsalita siya.

"Actually, hindi nasunod ang itinerary namin. We flew from Hongkong to Cebu the other day tapos kagabi lang kami nakalipad sa flight dito sa Manila. I wanted to call you pero wala talagang time. I miss you so much. I would have wanted to spend time with you today."

Bakit parang... overkill? Like he was trying too hard? Like he knew he was in trouble because he did something wrong? Baka naman ako ang over mag-react? Nagbuntunghininga ako. "Okay lang. But I have something to tell—"

"You don't understand. We're leaving again after lunch, sweetie." At nasa tinig na niya ang pamilyar na apologetic na tono. "Isasama naman ako ni Mommy sa Baguio for a sortie there para sa Valentine's Day."

Natigilan ako sandali. Tapos... ahhh. Not 'done something wrong.' More like he was about to do it again! "Are you saying na wala ka na naman? At sa una nating Valentine's Day as a couple?" tanong ko sa nagtitimping tinig.

"I know, love," punung puno na ng guilt ang tinig niya ngayong sabi. "But they wanted me to meet these people na magiging partners daw namin sa negosyo. Baka ito ang unang business na papayagan ni Dad na hawakan ko. You know I've been waiting for this break for a long time." Nagbuntunghininga siya nang malalim. "Kung alam mo lang... excited na akong makasama ka. I have plans for our Valentine's Day. Pero you know how important this is for me. I have to be there."

Ilang sandaling hindi ko alam ang sasabihin. Nag-i-struggle akong maging rational para maiwasan ko siyang sigawan dahil sa sama ng loob.

"Elise? Please say something. Para sa 'tin din naman ito, eh. Para sa future natin ito."

I didn't say we have a future together. Gusto ko lang ng boyfriend. Gusto ko lang, ma-in love.

Inatake ako ng lungkot. Ni hindi na rin ako makapagsinungaling sa aking sarili. Alam ko ang totoo kahit i-sugarcoat niya.

What he'd said would have sounded romantic when we were just starting. I would have believed him completely. Kahit alam kong hindi iyon totoo.

Na wala siyang lakas ng loob tumanggi sa mga magulang niya, period.

Ni hindi ko na ma-afford ibigay ang ilusyong iyon kay Brandon.

"Elise?"

"I think we should talk," aniya.

May isang patlang doon na alam kong nakuha niya agad ang gusto kong sabihin. "What do you mean? We're already talking."

"Brandon, kasi—"

"Don't do this to me, Elise. Please," sabad niya sa nakikiusap na tinig.

Sumikdo ang dibdib ko sa gulat. That was too fast a reaction for someone I think was just acting. Hindi niya gustong makipag-break?

Sino ba ang makikipag-break? Siya o ikaw?

I know! Shut up. Ginugulo mo ako.

"Brandon, this isn't working out. I can't do this any—"

"I have to go. May mga guests kami for brunch. I just miss you so much kaya ako tumawag. I miss hearing your voice, baby."

"What? Wait—"

"I love you. I'll be there when I can. Please, baby. Don't do this."

What? Kahit sa break up, wala pa ring time?

"Brandon?!" naiinis ko nang sigaw sa phone.

I had been hearing some noise in the background pero parang hindi iyon naririnig ni Brandon habang nakikiusap siya. May nagbukas ng pinto. Tapos may naiinis na nagsalita.

"Brandon...? Are you not ready yet? We can't be late for the fitting!"

Babae. Hindi boses ng mommy niya. Wala siyang kapatid na babae.

"I gotta go," biglang sabi ni Brandon sa akin, nagmamadali.

Napakunot ang aking noo. "Sino 'yon? Anong fitting? Akala ko ba paalis ka na uli?"

"Just my cousin. I gotta go. I'll talk to you later."

Tapos nawala na siya sa kabilang linya. Pero pagkatapos ko munang marinig ang nangungutyang tawa ng babae.

Napatitig ako sa screen ng aking cellphone pagkatapos. Nataranta siya noong nakikipag-break ako. Pero lalo na noong tinatanong ko na siya tungkol sa narinig kong boses babae. Lima lang ang cousin niya at wala sa mga ito ang may boses at accent na gaya nang sa babaeng narinig ko.

Wala sana akong iisipang kakaiba kung hindi siya nag-react nang ganoon.

All the time ba na kaming dalawa, may babae siyang iba?

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon