A4: Elise

347 17 0
                                    

SUMABAY AKO sa mahahabang mga hakbang ni Gian hanggang makarating kami sa elevator banks. Tanging tagatak ng aking stilettos lang ang maririnig sa sumunod na mga sandali hanggang makarating kami sa dulo, sa mas discreet na elevator na pribado para lang sa kanya at piling mga bisita at myembro ng pamilya. Kasama sa mga piling bisita ang kung sinumang exclusive niyang dina-date at any moment.

Iyong huling sumakay rito...? Nakaka-trauma pa ring maalala.

Ex'd ang secret kong tawag sa mga ex-dates niya. Hindi girlfriends iyon, ha? Kundi short for Exclusive Dates. As far as anyone knew, hindi nag-progress sa girlfriend status ang mga naging dates ni Gian pero friends pa rin niya ang mga ito when the merry days were over. Minsan pa nga ay friendlier than friendly.

Hello? Maaaring naperpekto ni Gian ang poker face pero hindi ang mga Ex'd niya. Since kami ni Janet ang immediately nasa labas, witness kami sa jolly expressions bago makontrol iyon kapag paalis na ang mga hitad sa office niya.

Professional naman talaga si Gian. Kaya lang, he's not a saint. Paminsan-minsan may mga gan'on, but too far in between para tumaas ang kilay ko.

Maliban sa huli.

Iyong huling Ex'd na gumamit ng private elevator na ito ay three weeks ago lang. Her name was Shiela, at exclusive date ni Gian from the end of last year to the beginning of this year. He stopped going out with her the month of January.

But Shiela wouldn't give up. Noong hindi siya makalusot sa amin ng aking assistant na si Janet, nakatakas siya somehow sa security sa baba at nakaakyat dito.

Pero bumaba siyang ineeskortehan ng mga grim-looking guards at ni Jason.

That day was the worst that ever happened to my stay here. Thinking about it could still put the blush of anger to my cheeks. Napakaganda ni Shiela, spoiled rich brat, at amiga ni Madam si Donya Lucia na lola nito. You wouldn't really expect a woman with that background to behave na parang walang breeding.

"I know what people are saying! Don't you dare deny it! He must fuck you in the office behind locked doors!"

"Friends pa rin si Madam Soniah at lola ni Shiela, hindi ba?" tanong ko.

Lalong nagdilim ang mukha niya.

Ouch.

He knew.

Sumilid ang elevator door pabukas at pumasok kaming dalawa sa loob.

In our silence, while the car slid down its chute, I couldn't help but remember more of that day...

So umakyat nga ang malditang bruha at nag-demand na makita si Gian pero nasa isang importanteng meeting ang binata. Yes, it sounded cliché, but it was the truth. Isang importanteng contract signing ang nagaganap noon. Everyone knew that no one disturbed this kind of meetings. Even his mother wouldn't do it. So, as far as I was concerned, magta-tumbling man si Shiela noon, she would get no Gian.

So sabi ko rito, No Gian for you, baby. Umuwi ka na. Not exactly, of course, but something to that effect.

Ang resulta – nilait nito ako at pinagmumura mula sa aking hair strands hanggang toe nails sa boses na nag-carry over sa buong shocked na floor. Tiniis kong makinig sa pinakabastos na mga paratang sa pagkatao ko sa tanang buhay ko huwag lang itong makalusot. Tutal, wala namang totoo sa mga sinasabi nito.

Sobrang busy nito sa pagmumura at parang uwak ako sa pagbabantay, hindi namin pareho namalayan na naroon na pala si Gian.

At nang nakita na namin ang lalaki... No, he wasn't screaming. Pero ang dilim ng mukha niya noong inutusan niya si Shiela na pumasok sa opisina niya sa pinakamalamig na tinig na narinig ko na from him ever.

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon