PART FIVE

326 5 1
                                    

"DITO PO! Dito ko nakita!" sabi ng bata habang naunang naglalakad sa pagitan nang nagtataasang mga talahib sa abandonadong subdivision project sa lugar na iyon. Pawisang pawisan siya at bahagyang namumula ang mukha sa magkahalong kaba at excitement.

Kaya lang, nang malapit na siya sa kung saang spot na tinuturo niya sa mga pulis, napatigil siya at namutla habang napapahawak sa ilong niya.

Hinawakan siya ng isa sa mga pulis sa balikat.

"Sige na, 'Toy. Kami na ang bahalang maghanap. Bumalik ka na sa labas at hintayin mo kami doon kasi kailangan ka pa naming makausap, okay? Sige na."

Hindi na kailangang sabihan pa ulit ang bata. Mabilis siyang pumihit at tumakbo pabalik.

Nagkatinginan ang tatlong pulis. Ang isa ay ngumiwi habang dumudukot sa bulsa para kunin ang panyo nito, na ginawa rin ng dalawa pa nitong kasama.

"Masama na," sabi nang isa pa. "Ilang araw na kaya ito?"

"Tayo na," sabi nang mukhang pinakamatanda, nasa tinig nito ang pag-aalala at kaba.

Hinawi ng mga ito ang mga talahib sa daraanan. Ilang mga hakbang pa, at napaurong ang tatlong pulis sa sumalubong na init, masangsang na amoy, at mga bangaw na nabulabog.

Nang muling tumingin ang nangunguna sa lupa, naroroon ang naaagnas na katawan ng isang babae. Hubad, bloated, nangingitim, at nababalot nang natuyong dugo ang balat.

Napapikit na lang ang pinaka may edad na pulis. May mga anak itong dalaga at napakahirap hindi maapektuhan ng sandali. Tumalikod ito at sandaling kinalma ang loob. Pero hindi sapat iyon para mapigilan ang kaunting pamamasa ng mga mata nito.

Nang humarap ito muli, bilang senior ay nagbigay ito ng mga utos. Pumihit ang nasa huli para tumakbo palabas, pabalik sa mga kasama ng mga ito na naghihintay doon.

Nang gabing iyon, laman ng evening news ang balita tungkol sa bangkay nang isa na namang babaeng natagpuan. Na-identify ito bilang isa sa mga na-report na nawawala – maganda, bata pa, at brutal na na-rape ayon sa forensic report. Iyon na ang ikaapat na bangkay na natagpuan sa nagdaang dalawang linggo.

Dahil doon, lalong napatutok sa bilang ng mga kadalagahang nawawala ang iba pang mga balita.

Kaugnay niyon, ibinalita ring nadagdagan ang bilang nang nawawalang mga babae sa nagdaang tatlong buwan. Isa na namang magandang babae na nasa early twenties ang hindi na nakauwi mula sa panggabi nitong shift sa call center.

Pinag-iingat ang lahat ng mga babaeng nasa mga trabahong panggabi. Binilinan din ang mga ito na kung walang sundo ay manatili na sa workplace hanggang umaga saka umuwi... 

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon