Teaser

13.2K 170 2
                                    

Nagising siyang masakit ang ulo. Pilit niyang inaalala kung ano ang nangyari kahapon. Napamura siya nang maalala kung bakit siya uminom sa araw pa mismo ng kaarawan niya. It was suppose to be his engagement party as well but his girlfriend is missing. She left him when he finally decided to propose to her. It's been three days since he found out that she left the country. And he's wondering why she chooses to leave after he invited her to his upcoming birthday. Nahulaan niya kaya ang balak nitong magpropose?

Bumangon siya at tumuloy sa banyo para maghilamos. Pagharap nito sa salamin ay nakita niya ang kanyang reflection. He's a mess. Hindi man lang siya nakapagpalit ng damit. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa sink at pumikit. Paano ba siya nakarating sa kanyang silid? Ang huling naalala niya ay nilulunod niya ang sarili sa alak bago at pagkatapos siyang kausapin ng kanyang ama. Napamulat siya ng mata nang may maalala.

"Shit! What have I done?" He looked at himself in the mirror. He ran his fingers through his hair in frustration.

"Fix yourself, Alexander. You made a fool out of yourself. You're a big jerk for taking your anger out on her." Kausap niya sa sarili.

He took all his clothes off. He decided to take a shower. Hang-over sucks! Parang binibiyak ang ulo niya. Mas lalong sumasakit ang ulo kapag naaalala kung bakit siya nagpakalasing. Hindi lang sakit ng ulo ang iniinda niya pati na rin sakit sa puso. Iniwan siya ng kanyang nobya sa 'di malamang dahilan. Ganyunpaman ay may kailangan muna siyang ayusin kaya pilit niyang iwinawaksi sa isip niya ang nobya.

Pagkatapos maligo ay kinuha niya ang tuwalya na nakasabit sa rack at pinunasan ang basang katawan. Pagkatapos ay ibinalabal ito sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Paglabas ng banyo ay dinampot niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa side table at tinawagan ang kanyang kapatid.

"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Good morning, my dear sister." pinalambing niya ang kanyang boses. It's his way to get his sister in the mood.

"Oh! Good morning to you brother! Are you sober now?" she answered sarcastically. He decided to just ignore her.

"Is she there?" he asked instead.

"Sino?"

"Ang kapatid ni Nico."

"Wala. Pinauwi ko na. At kahit nandito pa siya hindi ko siya ipapakausap sayo." galit na sagot nito

"Listen, I just wanna apologize to her. I was drunk. I didn't intend to hurt her or anything. So, please give me her number."

"NO. I won't."

"Please." he begged.

"Sorry, kuya. Pero hindi kita papayagang gawin mo siyang rebound."

"What!? What the hell are you talking about?" naguguluhang tanong nito.

"Hindi mo maalala ang pinagsasabi mo kagabi?" sigaw nito. Muntik ng mabasag ang kanyang eardrum sa lakas ng sigaw nito kaya inilayo niya ang kanyang cellphone sa tenga.

"Paano ko nga maaalala eh lasing ako?" katwiran niya.

"Hanggang saan ang naaalala mo?"

"I'm not sure. Basta ang alam ko ay napagsalitaan ko siya ng hindi maganda. And to tell you the truth I don't remember everything that I've said."

"Hindi ko rin alam kung ano ang mga pinagsasabi mo sa kanya bago ako dumating. Pero tandang-tanda ko ang mga pinaggagagawa mo."

"Bakit? Ano bang ginawa ko?"

"Hindi ko nagustuhan ang mga tingin na pinupukol mo sa bata, kuya." he rolled his eyes.

"Cassy darling, hindi na siya bata."

"Iyan! Iyan mismo ang sinabi mo sa akin nang pagsabihan kita."

"Because it's the truth."

"You called her 'Beautiful'. Geez! I wish you've seen yourself. "

"I did? Well, What's wrong with that? She really is!"

"Yes you did! I can't believe you're really asking me. You told my husband... you like his sister. "

"What?! Dammit! I don't remember. Galit ba sa akin si Nico?" nag-aalalang tanong niya. Hindi niya sinagot ang kanyang tanong.

"Let me talk to him." he commanded.

"Call him in his office." matigas nitong sabi. As expected nasa trabaho na ito. He sighed.

"Mabuti pa nga. Since ayaw mo rin naman ibigay ang cellphone number ni Francheska, sa kanya ko na lang itatanong."

"Goodluck sa iyo!" sagot nito na may pang-uuyam.

"Kapatid ba talaga kita? Hindi mo man lang ba ako tutulungan?"

"Ginawa mo 'yan kaya magdusa ka mag-isa."

"Tatandaan ko ang araw na ito, Cassiela. Kapag ikaw ang may kailangan ng tulong hinding-hindi kita tutulungan."

"Yeah, right." tumatawang tugon nito.

"Bwisit ka talaga."

"Same to you." she giggled. He immediately end the call.

Now, he need to deal with Nico. Damn! Bakit parang kinakabahan siya?

Author's Note: (11-14-14)

This is it! Hidden Series 3. Read the Epilogue of Hidden Series 1: Hidden Love For My Best Friend if you wanna understand this Teaser. The story will be written using first person point of view. (Except this Teaser.)

If there are errors please bear with me. Still learning and will never stop learning.

VOTE! VOTE! VOTE!, COMMENT and if It's worth it.. RECOMMEND.

Thank you for reading. ^_^

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon