I

10.4K 337 40
                                    




Hmmm napakapayapa naman ng umaga. Parang paraiso sa katahimikan at kapayapaan. Tanging huni lamang ng nga ibon ang maririnig mo kasabay nang malakas na pag-agos ng malamig na tubig sa napakalinis na batis. Tila kinakawayan ka naman ng mga naglalakihang puno sa sabay sabay nilang pag-ugoy dulot nang malakas na hangin. Hay napakasar......


"ATONG!!! BANGON NA ANO BA!!!NILAGPASAN NA TAYO NG GRASYA KAKATULOG MONG BATA KA! JUSKO NAMAN ATONG!!"


Ayun, mahusay. Asan ang payapa doon? Nagconcert na naman si Nanay sa labas na akala mo naman ay nasa kabilang barangay ako kung makasigaw. Kung anong ginanda ng panaginip yun naman ang ikinabaligtaran nang paggising ko. Hmmm whattalife ha. Nakngtokwa, kung nakakasira siguro ng image ang mga ipinagsasabi ni Nanay malamang sirang sira na ako sa buong barangay sa lakas ng bunganga niya. Buti na lang talaga lab na lab ko yan.


"Aba Atong!! Ilang beses pa ba kita gigisingin ha? Jusko kang bata ka wala ka ng ginawa kung hindi matulog diyan! Daig mo pa ang buntis kung humilata diyan!" Dugtong ni Nanay na ngayon pala ay nasa loob na ng kwarto ko. Naku nasa teritoryo ko na ang kalaban malapit na niya akong masakop.



"Nanay naman eh. Ke aga-aga ng homilya. Sa linggo pa ho yun" inaantok kong sagot dito sabay taklob ulit ng kumot.


For sure yamot na yamot na lalo si Nanay sa inaasal ko ngayon. Kung makapagtaklob naman ako ng kumot akala mo centralized ang kwarto ko eh electricfan ko pa nga lang ay naghihingalo nang umabot sa number 3.


"Aba teka nga at kukuha ako ng mainit na tubig nang maibuhos sayo. Kanina k...." pananakot nito kaya nalarma ako at agad nang bumangon dahil kilala ko si Nanay for sure gagawin niyan yun. Ayoko pa namang mabasa ang higaan ko dahil sisimple pa ako ng tulog diyan mamayang hapon.


Madalas ko lang asarin yang si Nanay pero lab na lab ko yan, syempre kami na lang dalawa ang magkasama sa buhay eh though nandito din yung pinsan ko pero sakto lang yung lab ko sa kanya ,mga kalahati lang? Joke haha. Namatay na kasi erpat ko noong bata pa ako dahil daw sa saksak, medyo basagulero kasi eh kaya ayun maagang nabiyuda si Nanay. Pero hindi naman yun naging hadlang para hindi ako mapalaki nang maayos ni Nanay, mukha lang hindi maayos to noh! Naku private school ako simula elementary hanggang high school noh! yun nga lang hindi kinaya nung college kaya nag State University na ako na kung tutuusin ay mas gusto ko. Nakakailang kasi mga kaklase ko sa private eh, noong elementary ang gaganda ng lunchbox samantalang ako sa plastic labo tapos noong naghighschool pang isang linggo ko na ang baon nila sa isang araw. Kontento naman ako sa kung ano lang kayang ibigay ni Nanay ayoko lang din talaga siyang mahirapan.


Asus pero ayaw gumising ng maaga?


Atong Dimacuha nga pala pangalan ko, 22 years old na ako fresh graduate lang sa kursong HRM, mukha lang hindi fresh pero fresh to. Nagkataon lang na wala pa akong trabaho ngayon kasi noong isang araw lang ako grumaduate, so bale pahinga muna. Yun na din ang rason kung bakit sinusulit ko talaga ang pagtulog. Asus akala mo naman talaga sobrang sipag mag-aral.



"Ikaw Atong ha, inuugali mo na yang oras nang paggising. Alas-onse na aba! Hindi mo na ako natulungang magluto bata ka" ani nito habang pababa kami ng hagdan. Sorry ka may second floor kami.



Oo! Tama kayo nang nabasa! Iginapang ni Nanay ang pag-aaral ko sa tulong ng Karinderya. Hindi rin naman kasi maipagkakaila ang husay at galing ni Nanay sa pagluluto kaya lagi siyang dinudumog ng mga tao dito dahil sa masasarap niyang ulam. Ewan ko na lang kung hindi ka mapa-tatlong kanin.



"Yakang yaka niyo naman yan Nay. Saka nandiyan naman si Lovely. Sanay yun sa usukan hahaha" natatawa kong sabi habang sumusubo ako ng pandesal.



Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon