XVI

3.1K 226 69
                                    


"Saglit Baste, wag na lang kaya?"

"Pucha duwag naman nito eh" yamot nitong sabi habang tinatanggal niya ang helmet sa akin. Ewan ko ba,pati tuloy ako nasanay na,na siya ang nagtatanggal at nagkakabit ng helmet ko. Okay pere keyeng shere.

"Paano kung magalit? Gago deliks. Layas ako pag nagkataon nito pre" nag-aalala kong sabi dito


Ano na mga tsong? Ugh! Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa labas ng bahay, katatapos lang ng shift ko at sinundo ako ngayon ni Baste galing sa work. Hanggang alas-sais shift ko ngayon kaya nagpresenta si gago na sunduin ako. Yung sa hatid ? Ako na umaayaw mga pre,masyadong dyahe yun masyado nang malakas maka disney princess saka may sarili siyang buhay ayoko naman na abalahin siya.


So balik tayo, nandito kami ngayon dahil after four months. Oo mga tsong four months na kami ng unggoy na to,tignan mo nga naman. Sino bang mag-aakala na aabot kami ng four months nang wala man lang nagkakapasa. Kamusta ba so far? Actually normal lang naman mas madalas lang talaga kaming magkasama ngayon dahil sa pagpupumilit niya, ewan sabi niya as much as possible magkasama kami lagi eh. Away? Ayun ang madalas pero hindi naman malalaking away,madalas ay dahil sa pikunan o sa wala sa lugar na pagseselos nito mapababae o lalaki walang pinapalampas si gago eh.


"Eh di magalit. Anong magagawa natin?" Walang emosyon nitong sagot sabay subo ng candy.


Nga pala mga pre tinupad niya yung no yosi na kasunduan namin kaya ngayon candy na lang ang pinagtyatyagaan niya.


"Anak ng tokwa naman to eh, parang hindi man lang nag-aalala" reklamo ko dito sabay suntok nang mahina sa braso niya.


"Gago anong gusto mong gawin ko ,mag-alala din? Eh di mas lalo kang kinabahan diyan. Saka kilala natin si Ninang, mahilig lang manermon yun pero mahal ka nun. Saka kaya nga ako nandito di ba? Tayong dalawa magsasabi" paniniguro nito kaya napatango na lang ako bago ako nito inakbayan at sabay kaming pumasok sa bahay.


Tsempo naman na nasa sala si Nanay at nanunuod ng TV , si Lovely? Ewan ko kung nasaan ang isang yun, graduating din kasi kaya medyo busy daw siya. Sus akala mo din naman talaga.



"Nandiyan na pala kayo. Aba sinundo mo pala ulit si Atong? Naku napaka-bait talaga nitong ina-anak ko. Ikaw Atong ha..baka namimihasa ka na dito kay Baste?" Ani nito after naming magmano sa kanya ni Baste


Wow Nay consistent sa harapang panenermon sa akin sa unggoy na to ha? Kaya lalong tumitigas mukha nito eh.


"Luh Nay yan nga ang pilit nang pilit" ani ko


"Aysus. Oh siya maghapunan kayo, may ulam na diyan. Teka ipaghahain ko kayo" ani nito sabay aktong tatayo kaso biglang nagsalita si Baste. Jusko po ito na.



"Ninang....may sasabihin po sana kami" ani nito kaya agad napatigil si Nanay at tumingin sa amin.



"Naku ano na namang kalokohan ang ginawa nitong si Atong,Baste? Naku ikaw na bata ka hindi pork..." bintang agad ni Nanay kaya napanguso ako.


"Ako agad Nay? Saka bait bait ko na eh." Singit ko kaya inismiran lang ako nito sabay tingin ulit kay Baste.



"Ano yun Baste?" Seryosong tanong nito kaya mas kinabahan na ako. Medyo iba kasi si Nanay pag seryoso na ang usapan.


"Uhmm Ano p...kas... kasi Ninang... ano po" medyo utal nitong pag-uumpisa kaya napatingin ako sa kanya. Tignan mo ang kayabangan ng unggoy na to kanina? Tapos ngayon hindi man lang makapag-salita.



Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon