XX

2.7K 231 86
                                    

At this point of this story I would like to thank you guys lalo na sa umabot sa puntong to.





Atong's POV

"Atong kakain lang ng hapunan ay gagala ka pa? Kung di ka ba naman masarap kutusan na bata ka eh" yamot na saway sa akin ni Nanay


"Pupunta ho ako kela Baste. Naiwan niya ho ang wallet niya sa bag ko noong sinundo niya ako kanina, isasauli ko lang ho" katwiran ko habang hinahanap ko yung paborito kong baseball cap.


"Naku Nanay pagalitan mo yan, go push mo lang. Humahanap lang ng paraan yan para lumandi. Ganyan yan" singit ni Lovely na kasalukuyang naghuhugas ng mga pinagkainan namin.



"Atleast may lalandiin, eh ikaw?" Asar ko dito sabay tawa nang malakas.



"Aba tama nga naman si Atong" gatong ni Nanay kaya mas lalo pa kaming nagtawanan.



Ewan ko din ba kung bakit may nagsasabi sa akin ngayon na dapat kong isauli yung wallet niya. Kanina kasi nang maihatid niya ako sa bahay ay agad na din itong umalis dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin sa shop kaya nakalimutan niya nang kunin sa akin yung wallet niya na pinalagay niya sa bag ko. Eh may pasok naman ako kinabukasan at sa hapon pa ulit kami magkikita, baka lang may importante dito na kailangan maibalik sa kanya.



"Naku ikaw Atong ha, lalabas ka pa talaga ha? kapag ikaw napagtripan diyan sa labas. Isama mo na lang yang si Lovely" ani ni Nanay



"Luh Nay?! Kapag may pagtitripan kasama agad ako? Ano to lokohan? Binibini ako Nay, oh" reklamo nito na agad pinandilatan ni Nanay kaya hindi na din siya pumalag.



Mga ilang minuto lang din akong naghintay sa tinatapos ni Lovely bago kami tuluyang umalis. Minabuti ko na din na wag nang itext si Baste para may pasurprise haha luh landi? Hindi, baka mamaya masarap pagkain sa kanila eh di makakaround 2 kami ni Lovely, baka kasi ubusin ni Baste pag nalamang pupunta kami. Pagkababa namin sa tricycle ay naglakad na lang kami sa loob ng subdivision nila Baste dahil hindi rin naman yun ganun kalayuan.


"Hoy Atong,oks ka lang? Para kang tanga diyan" tanong ni Lovely



Ewan ko ba mga tsong pero parang hindi rin ako mapakali. Kinakabahan na ewan. Ewan ko ba kanina pa ang lakas ng kabog ng dibdib ko.



"Ha?...O...Oo naman...." utal kong sagot dito



"Luh ang arte sumagot akala mo maganda. Feel ko natatae ka lang kasi ang dami mong nakain kaninang hapunan. Matakaw ka kasi couz" asar nito sa akin na sinuklian ko lang ng make face.


"Saglit nga Lovely...." ani ko dito sabay tigil sa paglalakad.



"Ha? Anong inarte yan? Ano bang nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong ng pinsan ko habang ako naman ay nakatayo lang at pinakikiramdaman ang sarili kong katawan. Anak ng tokwa,ano bang nangyayari sa akin?


"Ha?...... wala..wala. Sige tara na" ani ko na lang dahil ayoko din namang mag-alala itong kasama ko. Dala na din siguro ng pagod itong nararamdaman ko.



Wala pa sigurong limang minuto nang madating namin ang bahay nila Baste.


"Ano na tara na, lalamukin tayo here" ani ni Lovely


"Tange, kumatok muna tayo baka mamaya pagkamalan tayong magnanakaw diyan. Lalo na yang mukha mo" asar ko dito habang pilit kong itinatago ang nararamdaman ko.


"Tange syota mo naman nakatir...." sagot pa sana nito nang may madinig kami...


"Tangina!! Ano bang gusto mo?!"


Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon