XVII

2.9K 216 37
                                    



"Bakit?!!!"


"Tell me why?!!"


"Anong nangyayari sa mundo?!"


"Isa pa susungalngalin na kita" pananakot lo dito na sinuklian lang ni Lovely nang isang irap.


Sino ba naman kasing hindi maiirita sa pinaggagagawa nitong pinsan ko na halos isang linggo na akong hindi tinatantanan kakatanong kung bakit ko daw naging syota si Baste. Para namang wala akong karapatan magka-syota kung makatanong itong hitad na ito.Well actually si Nanay Nida lang din kasi ang nagsabi sa kanya noong isang gabi habang naghahapunan kami. Pag ako nga kasi for sure hindi seseryosohin nitong hitad na to.


"Nga pala Lovely may sasabihin ako..." ani ni Nanay habang nagsasandok siya ng kanin.


"What is that Nanay? Come on what's the tea,spill it" sagot naman nito kay Nanay


"Luh? Dami mo ding alam eh" asar ko dito

"Ay Nanay oh,sumasabot di naman natin kausap" sumbong nito

"Ay Nanay oh daming alam" gaya ko dito sabay labas ng dila para asarin siya

Anak ng tokwa, iba ang level ng maturity namin dito sa bahay ha.


"Yeah because I am brainy bitch an...." ganting asar sana nito sa akin nang biglang mayamot si Nanay


"Mga punyeta din kayo eh! Kedadaldal, walang gustong magpa-awat,lahat gusto ng dialogue. Mga dalahira kayo ha. Nga pala Lovely, ang Kuya Atong mo at si Baste ay magkasintahan na" ang tuloy-tuloy lang na sabi ni Nanay Nida


Habang ako naman ay umaarte lang na walang paki-alam pero ang totoo ay pinakikiramdaman ko lang ang magiging reaksyon ni Lovely. For sure eeksena na naman itong isang to.


"Ano ho? Ano yun Nay?" Interisado nitong tanong



"Si Atong at Baste magsyota. Bungol kang bata ka ha? Paano ba naman kelalakas magpatugtog?" Singhal ni Nanay sa kanya habang si Lovely naman ay nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.



"So ano ngang gayuma ang binigay mo kay Baste ha? Go na ispluk mo na sa akin Atong" kulit pa rin nito sa akin habang nagliligpit ako ng mga platong pinagkainan ng mga customer namin. Sa susunod talaga irerequire ko na customer na din maghugas nang pinagkainan nila.



Pero dahil nasusuya na din ako sa kadaldalan ni Lovely ay minabuti kong wag na lang muna siyang sagutin. Talaga nga namang patience is a virtue ang datingan ko dito,aminin niyo. Pero alam ninyo on a serious note,hindi ko rin alam kung anong dapat sagutin? Bukod sa ubod ako ng gwapo at umaapaw ang sex appeal, hindi ko na din alam bakit?


"Hoy ano to? Bungol? So paano nga kasi. Curious lang ako couz kasi hindi ka naman sobrang gwapo, minsan nga may libag ka pa sa leeg pag nakakalimutan mong maghilod eh tapos ang daming kalyo ng talampakan mo kasi lagi kang naka-yapak pag nasa labas. Like saan banda diyan?!" Mahabang saad nito habang ako naman ay nanlalaki lang ang matang nakatingin sa kanya.


"Hoy! Kulang na lang sabihin mo na pangit ako ha?!" Singhal ko dito


"Hindi naman couz hindi ka lang din gwapo. So an..." walang kagatol-gatol nitong sagot sa akin kaya agad na akong sumigaw para masumbong kay Nanay. Dalahira itong batang to, makalait sa akin eh ang perfect perfect ko pa namang tao.


"NAY SI LOVELY HO AYAW DAW MAGBANTAY DITO!!" sigaw ko pero hindi nagpatinag si Lovely at tinignan lang ako sabay pamaywang at ngiti nang nakakaloko sa akin.


Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon