XI

2.4K 203 43
                                    



"Chef Ryan, make sure lang na,nadouble check mo lahat ng dish na iseserve bago makadating sa tables ha"



"Caloy as the head of the waiters, remind mo na lang sila regarding the proper way of serving ha. Last time kasi may muntik nang matapunang customer, ayaw naman nating maulit yun"



"Leila,kamusta ang delivery ng suppliers? Yung meat at poultry double check mo ha"



"Sige guys, thats all for this morning's quick meeting. Goodluck!" Ani ko sa mga staff ng resto after giving them reminders. Ito ang madalas gawin sa amin ni Gideon before bago mag-open ng resto kaya minabuti ko na gawin na din ito habang ako ang inassign ni Gideon to be OIC habang nagpapagaling pa siya.


"Atong okay ka lang ba?" Bulong sa akin ni Ryan habang busy akong tinitignan ang mga OR at bills ng resto.


"Ha?"



"Dagukan kita Atong eh, ilang linggo ka nang ganyan. Okay ka lang ba? Ha?" Seryosong tanong nito sa akin na halata sa mukha ang pag-aalala



"Oo naman... Ryan mamaya pala ikaw na bahala ha? Alam mo naman ang routine ko. May need lang akong imeet na suppliers tapos daan ako saglit dito para magcheck then punta na ako kay Sir Gideon" paalala ko dito.


"Kamusta na ba siya?" Tanong nito dahilan para mapahinto ako at huminga nang malalim.



Tatlong linggo,tatlong linggo nang ganito ang naging routine ko na halos pagkasyahin ang lahat ng dapat gawin sa loob lamang ng 24 oras pero hindi ko iniinda ang lahat ng ito para kay Gideon. Sa totoo lang,wala pa nga ito sa kalingkingan sa lahat nang naitulong sa amin ni Gideon. Wala pa ito sa kabutihang pwede naming isukli sa kanya, si Gideon ang nagbayad ng bills ng asawa ni Ryan nang manganak ito ng kulang sa buwan, si Gideon din ang unang nag-abot ng tulong noong masunugan ng bahay sila Caloy noong isang taon... iilan lang yan sa napakadaming kabutihan na nagawa ni Gideon sa amin dito.



At kung kamusta ang lagay niya? Hipokrito ako kung sasabihin ko na bumubuti ang lagay niya kung araw araw ko namang nakikita ang tuluyang pagbagsak ng timbang nito,mayat-mayang pananakit ng ulo at kung minsan pa nga ay ang pagkawala nito ng malay. Pero sa kabila ng lahat ng mga iyan ay hindi ako nawawalan ng pag-asa na gagaling si Gideon, kadalasan habang nagbabantay sa kanya ay panay naman ang research ko sa mga ospital at doctor sa ibang bansa na maaring tumulong kay Gideon, sinasabayan ko pa ito nang kaliwat-kanang inquiries sa mga sikat na neurosurgeon na maaring tumulong kay Gideon. Basta ang alam ko lang ay hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa kay Gideon,kakapit ako hanggang kaya ko.




"Huy?! Atong ano na? Okay ka lang ba talaga? Lutang ka pre. Natutulog ka pa ba?" Tanong ni Ryan na hindi ko na namalayang hindi ko na pala nasagot.



"Sensya na Ry, may inisip lang. Si Sir Gideon,magiging okay siya. Wag kayong mag-alala, basta magdasal lang tayong lahat para sa kanya" pagsisiguro ko dito na agad naman nitong tinanguan.

Magiging okay siya.



Baste's POV



"Anak idaan mo muna ito kay Nida para naman matikman niya ang luto ng Kuya Bernard mo." utos sa akin ni Mommy after kong linisin ang sasakyan ko.



"Sige po nang maipasyal ko din itong sasakyan. Ilang araw ko na ding hindi nagagamit eh" ani ko



"Ay oo nga Baste. Ano ka ba, kung kailan ka naman tumanda saka ka hindi naggagagala. Abay humayo ka na! Humanap ka na nang ipapakilala sa akin magmove on ka na kay Atong at ako din naman ay nagmomove on na din" mahabang sagot nito na agad ko namang tinawanan.

Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon