IV

4.2K 249 36
                                    




"Tatanga tanga kasi yung kakampi ko eh. Anak ng tokwa natalo pa tuloy kami. Mabuti na lang talaga hindi ako pumusta ng pera doon kung nagkataon yari na naman ako" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako pauwi ng bahay.


Anak ng tokwa naman kasi mga tsong, minsan na nga lang ako maglalaro olats pa kami. Dapat kasi farmville na lang nilalaro ng mga kakampi ko eh, ang weweak ng mga putek. Alas-otso na ng gabi ngayon and syempre tapos na ako sa obligasyon ko sa bahay kaya nakapagdota na din ako.


Baka namaj isipin ninyo ang tamad at batugan ko ha, at puro dota na lang ang laman ng utak?! Kilala ko mga utak niyo, wag kayo magdeny! For your information guys waiting na lang ako para tawagan noh, nag-aapply to mga bui so kalma. Busy pa ako kaka monologue nang may isang motor na huminto sa harap ko.


Ayun another malas anak ng tokwa. Talaga ba langit? Ito na naman ba?


"Oy Atong busangot, naglalakad ka ata magisa?" Tanong nito nang nakangiti sa akin.


May sapak itong isang to, kumpirmado. Tawa nang tawa eh sarap isahan sa mukha eh. Nakakayamot eh. May pabigay-bigay pa ng nickname akala niya naman tropa ko siya.


"Bakit kailangan ba grupo pag maglalakad?" Pilosopo kong tanong dito na ikinailing na lang nito. Tapos ngayon iiling-iling ka?


Nga pala, matino naman ang nangyari noong isang linggo. Pagkahatid niya, ayun nagpakita lang kay Nanay Nida tapos syempre todo bati si Nanay at todo harot naman si Lovely. Hindi nila alam may sungay yang ungas na yan. Tsk tsk. Anak ng tokwa poging pogi naman ang mga ito eh mas gwapo pa ako diyan eh.


"Kailan ka ba makakausap ng matino? Pilosopo ka talaga eh noh? Tara na sakay ka na. Daan kita sa inyo" aya nito


"Di na bui. Wala ako sa mood ngayon wag ka na dumagdag. Saka gusto mo lang kumain ng libreng hapunan sa amin e"ani ko dito na ikinatawa niya ng malakas. Timawa amputek


"Putek haha kinakaibigan na nga kita eh para kay Nanay Nida" ani nito na ikinataas ng kilay ko. Dinig ninyo yun mga bui?


"Ay wow thank you ha? Nakakahiya naman sayo. Wag na oy! Madami na akong tropa at mahaba pa ang pila ng friend request sa facebook ko" hirit ko naman dito


"Well mas kaunti kaibigan ko. Saka minsan lang na may gwapo at machong kakaibiganin ka. Swerte ka na pre haha" ani naman nito.


Matindi naman! Iba din naman pala ang hangin ng lalaking ito sa katawan. Vulcanizing ata ang negosyo ng mga ito eh.


"Hangin mo ulul! Kamukha mo naman si Johnny Bravo" asar ko dito dahilan para matawa siya ng malakas. Ay iba benta naman pala.


Ay hanep! Kailan ba ako seseryosohin nito ha? Mas trip ko pa kung yayain ako nito ng square eh. Makatawa akala niya ata nagjojoke ako pag sinasabi kong badtrip ako sa mukha niya.


"Tawa ka pa. Last mo na yung unggoy ka. Tabi nga diyan! Harang pa amputek ang pangit naman ng motor niya" inis kong sabi dito sabay iwas at tuloy sa paglalakad.


Hindi porket malayo pa ang lalakarin ko ay sasakay na ako sa motor niya? Ako to oh? Ako si Atong? Naku malabo bui. Saka mas masarap maglakad wag lang talagang may gagalang aso. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad nang nakasunod pala si Baste sa akin. Lakas talaga mang-asar ng hinayupak na ito eh.


"Ano sure ka ayaw mo sumabay? Malayo pa sa inyo oh" tanong nito



"Kahit sa Cotabato pa bahay ko di ako sasab..." sagot ko sana dito nang biglang kumidlat ng malakas dahilan para mapatingin ako sa langit. Naku naman langit talaga ba? Wag naman uy!


Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon