XIX'

2K 172 19
                                    




"Ano ba Atong? Masyado pang maaga. Punyeta ka ikaw ba ang nagbubukas ng EDSA ha?" Pigil sa akin ni Nanay nang maabutan ako nitong nagsisintas ng sapatos. Alas tres pa lang kasi nang madaling araw at tsempo naman na gising na agad ito.


"Busy lang sa resto Nay. Madami lang po akong hinahabol" sabi ko dito habang chinecheck ko ang laman ng messenger bag ko.



"Aysus? Eme ka! Hoy bata ka! Ako pa ba ang uutuin mo ha?" Pigil ulit nito sa akin habang nakapamewang na ito sa harap ko ngayon.



Mukhang ginagamitan na naman ako ni Nanay ng mga moves niya sa akin noong bata ako. And hanggang ngayon takot pa rin ako kapag pumwesto na si Nanay nang ganito.


"Nay naman...." sumusuko kong sabi dito habang ito naman ay mataman at seryosong nakatitig na sa akin.


"Ano bang problema Atong ha? Ano bang nangyayari at nagkakaganyan ka ha?Tanong nito sa akin dahilan para kumunot ang noo ko.



"Ilang araw ka nang ganyan? Ilang araw ka nang pumapasok nang sobrang aga tapos gabing gabi ka na kung umuwi." Paliwanag nito sa akin na hindi ko man lang magawang masagot.



Ano bang dapat kong isagot kung alam ko namang tama ang sinasabi ni Nanay? Oo, tama naman si Nanay eh,ilang araw ko nang sinasadyang umalis ng sobrang aga at sa gabi naman ay halos magovernight na ako sa resto. Pakiramdam ko ito lang kaya kong gawin para umiwas... kung saan? Hindi ko rin alam.



"Huwag mong sasabihin na tungkol sa restaurant yan Atong ha at ngayon pa lang ay tatawagan ko si Lara para sabihin na wag na sayo ibigay ang responsibilidad na yan...." seryosong dugtong ni Nanay.



"Nay hindi naman po sa ganun...." katwiran ko sana dito na hindi na nito pinatapos.



"Sa tingin mo ba hindi ko alam ang nangyayari sayo? Matanda na ako Atong,oo pero hindi ako manhid at bulag para magsawalang-bahala na lang sa mga nakikita ko sayo" ani nito dahilan para maalarma ako.


Ayoko namang isipin ni Nanay that I am taking her for granted. Nasa punto lang ako na kailangan kong idigest mag-isa ang mga nangyayari sa akin. Some may think of it as pagiinarte pero at the end of the day mas mabuti pa rin na alam at naiintidihan ko ang mga nangyayari sa akin.


"Hindi naman po sa ganun Nay. Ayoko lang po na dumagdag ako sa isipin niyo. Ayoko lang po na maistress kayo." Paliwanag ko dito



"Pero yun ang gawain ko bilang Nanay mo Atong. Noong bata ka,kanino ka ba nagsusumbong pag may kaaway ka? Kanino ka ba nagsasabi pag may problema ka? Pag nadapa ka kanino ka ba tumatakbo? Di ba sa akin? Walang kinalaman ang edad mo sa relasyon natin bilang mag-ina" ani nito sa akin dahilan para mapayuko ako.



Hindi ko alam pero bigla na lang akong nahiya sa mga sinabi ni Nanay. All this time masyado kong inisip na kaya ko ang lahat? Nakalimutan ko na may pwede pa pala akong sandalan. Na hindi lang si Gideon ang pwede kong pagsumbungan.


"Sorry po Nay" sagot ko.



"Hindi ko sinasabi na ikwento mo sa akin lahat Atong ha? Hindi ko rin iginigiit na gawin mo akong parte ng lahat ng aspeto ng buhay mo. Pero putragis kang bata ka, Nanay mo pa rin ako at pwede mo akong sandalan at hingahan ng sama ng loob ha. Punyeta ka din eh. Akala mo naman lagi kitang babarahin. Nagbabasa na kayo ako ng parenting books" banat nito na nakapagpataas ng kilay ko.


"Kahit ang tanda ko na Nay?" Angil ko


"Kahit hindi ka pa matured? Oh ano? Palag ka" agad namang sagot nito dahilan para parehas na lang kaming matawa at biglaang magyakapan.



Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon