IV

2.6K 233 112
                                    



"Atong lumabas ka muna dito at tumulong ka dito sa baba. Punyeta kang bata ka"


"Aba Atong! Magbibingi-bingihan ka pa?!"


"Aakyatin talaga kita diyan at bubuhusan ng mainit na tubig." Sigaw na naman ni Nanay


Anak ng tokwa naman itong si Nanay, ang tanda tanda ko na kung makasigaw sa labas kulang na lang isigaw na ang sama ko na namang anak. Ewan ko ba, tinatamad na din akong bumangon baka siguro dahil matagal na din akong hindi nakakajogging kaya napagod din ang katawan ko. Nakatulong din siguro na nakausap ko si Gideon kanina kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko at nakatulog.


"Atong!"


"Oho!!!!" Sigaw ko sabay bangon at labas ng kwarto ko para pumunta na sa karinderya. Grabe din talaga itong karinderya ni Nanay parang hindi nawawalan ng tao. Minsan nga iniisip ko kung what if lagyan ko ng ipis yung mga ulam ni Nanay, try lang ha. Tignan lang natin magiginy reaction ng mga customers niya.


"Magserve ka doon Atong at absent yung isa sa mga helper ko" salubong agad sa akin ni Nanay habang papalakad ako papunta sa kanya.


Busangot man ay wala akong nagawa kung hindi sundin ito dahil kung papalag pa ako ay baka buhusan na ako ni Nanay nang mainit na Nilagang Baboy. Good thing at medyo late na din ako ako bumaba kaya hindi na din naging ganun katagal ang pagstay ko sa baba mga after two hours ay for sure ubos tong mga to. Nakakatuwa pa rin talagang tignan yung mga customer ni Nanay na sarap na sarap sa mga luto niya, hanggang ngayon taob pa rin talaga ako kay Nanay pagdating sa pagluluto.


Papasarado na kami at kasalukuyan akong nakatambay sa pwesto ni Nanay na nagbibilang ng benta nang may bigla na lang dumating na isang pamilyar na tao sa bahay kasama ang isang batang lalaki.


"Nida!!!"


"Aba Belinda! Napadalaw ka? Tagal na din nang huli mong punta dito ah" reaction ni Nanay habang ako naman ay napakunot na lang ng noo.


"Nay sa kabilang barangay lang sila nakatira" bulong ko na agad naman akong pinanlisikan ng mata. Galit na galit agad?

"Syempre busy na din sa bahay Nida. Dami ding kailangan gawin eh. Ohmygosh?! Atong? Ikaw nga. Ang tagal kitang hindi na nakita ah. And by the way, you look so good. Lumaki ata katawan mo ha?" Bati naman nito sa akin habang ako naman ay napapangiwi na lang.


Pereng shere to si Tita Belinda.



"Ah opo. Medyo busy lang po sa work kaya hindi rin po laging makadalaw" nakangiti kong sagot dito



"Grabe iba ka na talaga ngayon. Sabi nga sa akin ni Nida na isa ka nang Chef, eh parang kailan lang halos lagi kang dinadala ni Baste sa bahay... hy naku nakakamiss" walang pakundangan nitong sabi habang ako naman ay parang napalunok na lang ng laway.



"Ay oo nga Belinda. Saka bata pa sila ngayon wag kang OA mag flashback." singit ni Nanay dito


"Nakakapanghinayang nga lang talaga. For sure matutuwa si Baste pag nakita ka." Pahabol pa ni Tita Belinda


"Oh siya tama na Belinda kedaldal mo na naman, tignan mo kanina ka pa tinitignan niyang apo mo" bara ni Nanay dito kaya napatawa naman ako. First time kong nagustuhan ang timing ni Nanay ha, very good Nanay, very good.



Pero teka..tama ba ang narinig ko. Apo? Pero kanina..kay Baste o Bernard? Ang hirap din naman malaman dahil halos kamukha ng batang lalaking ito ang magkapatid.


Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon