XIX

2.6K 211 59
                                    

Hi guys! Just wanna thank you all for supporting this story. As you guys know patapos na tayo sa 1st "book" or "season" ng story na to. Nakakatuwa lang ang naging pagtanggap ninyo sa story na to, even sa comments section aliw na aliw ako sa mga opinions and reactions ninyo.

One last chapter na lang for this season and I am also excited kung ano bang mangyayari. Hahaha di ko rin alam e haha

Keep on supporting guys!
Kaninong team kayo?

Team Baste?
Team Bernard?



Baste's POV

Matagal kong hinintay ang pagkakataong makaganti kay Bernard. After ng mga nangyari noon, isa ito sa mga bagay na gusto kong dumating, ang maramdaman niya ang maagawan,masaktan o traydorin. Pagkatapos kong marinig ang pag-uusap nila ni Mommy na yun ay alam kong ito na ang pagkakataon na hinihintay ko. Ewan ko kung bakit sa Atong na yun pa, pero may iba sa tingin ni Bernanrd sa litratong yun, tingin na hindi ko nakikita everytime may dinadalang siyang kalandian dito sa bahay. Alam kong sapat na yun para maging hudyat para gawin ang plano ko.


Lingid sa kaalaman ng mga magulang namin ang mga nangyari sa amin ni Bernard. Bukod sa nasa ibang bansa si Daddy ay kasalukuyang namang busy si Mommy noon sa pag-oopisina at kamakailan lang siya nagdesisyon na magstay na lang sa bahay. Ang tangi lang nilang alam ay ang mga pagbabago na nangyari sa akin, kung bakit? Wala silang idea at mukhang hindi rin naman sinabi ito ni Bernard.



Hindi na din ako nag-aksaya ng panahon at kaagad kong hinanap yung Atong na yun, mabuti na lang at medyo naaalala ko pa ang karinderya nila Ninang Nida. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ang tagal na din simula ng huli naming dalaw doon.



Ang totoo niyan sinadya ko talaga na pumunta kung kailan pasarado na ang karinderya nila at si Atong na lang ang nandoon. Gusto ko lang na masolo siya sa pagkakataong iyon para mas magawa ko agad nang mabilis ang plano ko. Medyo weird nga lang dahil mukha namang lalaking lalaki ang isang to, tsk tsk mga tipo ni Bernard. Akala ko magiging madali ang lahat pero hindi dahil iba ang tigas at karakas nitong Atong na to. Hindi siya yung tipong madadaan mo sa pagpapacute at swabeng linyahan, palaban siya at di hamak na lumelebel sa pagiging maangas ko. Pero sa kabila nun, mas desidido ako na makaganti kay Bernard, minayat-maya ko ang pagpunta sa kanila kahit pa puro kakupalan lang ni Atong ang sumasalubong sa akin, tiniis ko pati kayabangan nito, naghanap ako ng mga bagay kung saan siya mahina pero sa mga bagay na yun...nandoon din ang lakas niya.

Akala ko magiging madali ang lahat pero everytime nakikita kong malapit ko na siya mapasagot ay nagkakamali ako. Hindi ko alam pero mukhang nabaligtad ang plano ko dahil nagising na lang ako isang araw na hinahanap ang prinsensiya niya, hindi ko alam bakit namimiss ko ang kakupalan niya at alam ko sa pagkakataon na yun na hindi na lang simpleng plano sa paghihiganti ang nangyayari kaya pinili kong lumayo muna para makapag-isip.



Tangang-tanga ako sa sarili ko noong mga panahon na yun. Pucha! Ang linaw at ang simple ng plano ko,paibigan yung Atong na yun para masaktan si Bernard pero tangina bakit hirap na hirap akong gawin yun. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit sa lalaki pa?!



Hindi ko alam bakit nagagawa ko yung mga bagay na wala naman sa plano ko. Una ang halikan siya, hindi ko alam kung ano na lang pumasok sa isipan ko para halikan siya pero tangina.... hindi ako nagsisi doon. Ilang gabi akong hindi makatulog noon at patuloy na binalik-balikan ang eksenang yun.



Maging ang pagseselos ko, kahit ilang beses kong pigilan hindi ko alam kung bakit natatakot akong isipin na may ibang taong lumalapit sa kanya. Na sa pangalawang pagkakataon ay maagawan na naman ako ng taong mahalaga sa akin.



Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon