XIV'

2.3K 179 25
                                    

Hi guys! I know that the previous chapter was kinda sad pero ganun talaga eh. Umiiyak din ako habang ginagawa ko yun haha. Sa part ng story na to makikita natin ang journey ni Atong after Gideon's death. I am still hoping na suportahan ninyo si Atong,kahit wag na si Baste haha charot.


This is like a new and final book for Atong so anytime pwede nang matapos ang story na to so please guys keep on supporting, yung phase ng story medyo mabilis din here kasi ayoko naman na lagi na lang malungkot si Atong. I am reading your comments and natutuwa ako sa reactions ninyo.


Salamat!





"Atong,tara na?" Tanong ni Nanay sa akin habang nakatayo pa rin akong nakatingin sa puntod ni...

Gideon.


Hanggang ngayon nadudurog pa rin ako sa bawat pagkakataon na iisipin kong wala na si Gideon. Akala pagkatapos ng ilang araw na burol nito ay kahit papaano ay matatanggap ko na tuluyan nang wala ang mahal ko pero hindi. Ngayon, pagkatapos naming tuluyang ihatid sa huli niyang himlayan si Gideon hindi ko pa rin maiwasang hindi magtanong kung bakit? Bakit siya? Bakit ganito kaaga?



"Mauna na po kayo Nay" ani ko na lang habang nakatingin pa rin ako sa lapida ni Gideon.



Katulad nga nang kahilingan ko ay minabuti ni Nanay na iwan na muna ako sa piling ni Gideon. Kailangan ko lang siguro ang oras na to para makasama siya,para unti-unti kong matanggap at mapalaya siya.



"Bro...sana okay ka na diyan ha? Sana wala ng masakit? Hindi ka na gigising nang madaling araw dahil sa sakit ng ulo, makakain ka na din ng lahat ng gusto mo...."


"....Ako dito.....hindi ko alam..... hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa...kung paano Gideon... Kasi ikaw eh, nasanay ako na nandiyan ka palagi, tapos ngayon, paano ako?....."



Hiran na hirap kong sabi kay Gideon na para bang kaharap ko lang siya. Umaasa na normal pa rin ang lahat, na anytime pwede akong magsumbong at magkwento sa kanya.




"....pero kakayanin ko. Para sayo... Paalam Gideon. Tandaan mo na lagi ka lang nasa puso ko." Hira na hirap kong sabi dito habang hinahawakan ko ang lapida niya bago tuluyang tumayo at lumabas sa museleo niya.


===========================




"Atong sure ka ba na kaya mo na pumasok?" Tanong sa akin ni Nanay habang inaayos ko ang gamit ko.



"Opo nay" ani ko na lang bago ako nagmano at nag-umpisang maglakad sa kotse ko.



Tatlong buwan. Oo ganun kabilis simula nang tuluyan akong iwan ni Gideon para magpahinga pero sa isip ko,parang kahapon lang nangyari ang lahat,parang kahapon lang kasama ko pa siya. Pero kailangan kong mabuhay sa realidad mg buhay.



Kasalukuyan din muna akong dito tumutuloy sa Bulacan bilang kahilingan ni Nanay, kasabay din nito ang pakiusap ni Tita Lara na magpahinga muna ako ng ilang linggo bago bumalik sa trabaho, sa dati at bago kong trabaho.



Isa din ang restaurant sa bumabagabag sa isip ko ngayon, ilang araw bago tuluyang bumalik si Tita Lara sa Michigan ay sinabi nito sa akin ang last will ni Gideon. Iniwan ni Gideon ang restaurant sa akin, kasabay nito ang naipon nitong pera na 50% na paghahatian ng mga empleyado sa resto habang ang natitira naman daw ay para sa akin,para matupad ko ang mga pangarap ko.Tinangka ko mang tumanggi but Tita Lara insisted,saying na decision ito ni Gideon dahil alam niya na ako lang daw ang may kakayahan magpatuloy sa nasimulan niya.



Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon