VII

3.4K 234 64
                                    

"Seems like may bisita tayo ha"

Dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya. Putek sino naman itong isang to? Bakit nanggugulo siya sa masaya kong pagkain dito?


"Sorry nainterupt ko ata kayo? My bad guys Hahaha" ani nito habang nagkakamot ng ulo dahilan para makita ko ang buhok nito sa kili-kili. Pati ba naman buhok sa kilikili?


Tangina sino ba itong mga ito at parang kay machete ata pinaglihi ang mga tao dito? Or baka required na maganda ang katawan para makapasok dito? No wonder nandito ako. Hay blessing. Pero gusto ko lang din banggitin na hindi ako natutuwa sa shampoo nila dahil panay ang kamot nila sa ulo.


"Mygosh Bernard pawis na pawis ka, itong batang to talaga oh. Hindi ka na namin nahintay dahil akala ko maghapon ka sa gym magbabantay. Wait anak ikukuha kita ng towel" ani ni Tita sabay labas sa dining area.


Bernard? Anak? So Tatay siya ni Baste? Joke so kapatid pala siya ni Baste. That explains sa resemblance sa pagitan nila,oh wag ka english. Kaya naman pala halos magkamukha lang sila at nakakalungkot isipin na magkamukha na sila pero wala pa rin silang binatbat sa kapogian ko. I pity you guys. Keep up



"Anak oh,ito ang tuwalya magpunas ka muna at nang makahabol ka na sa lunch namin. Just seat beside Atong" ani ni Tita nang makabalik sa dining area. Putek bakit kasi binanggit ang pangalan ko? Yan tuloy nakatingin sa akin nang mataman itong Bernard habang naglalakad sa kinauupuan ko.


"Ma?" Tanong nito na parang may hinihintay. Alam kong pogi ako dre pero wag mo ipahalata. Crush din ako nito,feeling ko. Isa na naman akong biyaya para sa buhay ng isang tao. Anak ng tokwa,oo.


"Ohmygosh! My bad. I am sorry. Bernard this is Atong, son of your Tita Nida. Atong this is Bernard my eldest" pagpapakilala ni Tita dahilan para mapakunot noo ko, putek englishan ang labanan.


"Kamusta pre?" Ani ko sabay abot ng kamay


"Nice to meet you pre. Laging sinasabi ni Mama na umattend ako nung binyag mo nung baby ka hahaha. Happy to meet you. Halos magkakaedad lang pala tayo" ani nito habang nakahawak pa rin sa kamay ko.


Anak ng tokwa, kakain pa ako eh.


"Hehe tama na kakain pa ako" ani ko sabay hila sa kamay ko dahilan para mapatawa sila except kay Baste na mukhang busy sa cellphone ngayon, akala niya naman may data siya eh nakita ko na nagtext ang 8080 sa kanya na expired na unli niya.


Si Bernard naman ay tuluyan nang umupo at nag-umpisang sumandok ng pagkain. Ayos to, mukhang makakaround 2 ako sa pagkain ngayon ha.



"He's really funny anak noh? Sobrang cute na bata. You should always visit here ha. Ang tahimik kasi dito sa bahay eh. Si Bernard laging wala tapos si Baste naman laging nasa gym" ani ni Tita


Hala parang tanga si Tita. Ako lang naman to. Hindi na napigilang purihing ang biyayang tulad ko. Isa na namang buhay ang nabago ng prisensiya ko.


"Seems like nga ma haha. Charming and Funny. By the way pre what do you do in life nga pala?" Tanong ni Bernard sa akin kaya dali-dali kong nilunok yung kinakain ko. Timing naman sana Bernard, crispy pata to eh, namaya mabarag ngipin ko.


"Ahh waiting ako ngayon sa mga inapplyan ko pero tumutulong muna ako sa karinderya ni Nanay habang walang ginagawa" ani ko sabay bitaw ng hilaw na ngiti. Alam ko ang iniisip ninyo,na isa akong huwarang anak? Oo alam ko yan.


Syempre hindi ko na nilabanan ang English, putek baka macomatose pa ako dito, wag na uy.


"Nice, maganda yan na tumutulong ka kay Tita Nida. Balita din hanggang dito na sikat ang karinderya ninyo.If you dont mind, ano bang tinapos mo, maybe I can help you sa paghanap ng work?" Tanong ulit nito sa akin.


Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon