XII

3.2K 274 69
                                    


Ngarag at hindi magkanda-ugaga halos maulol na ako sa kung ano ang tatakaling ulam dito sa bugso ng mga customer na dumdating. Kulang na lang hatiin ko ang sarili ko sa 65.7 na piraso para lang magawa mga gawain ko dito.

"Kuya mechado hindi menudo"

"Magkano isang order ng nilaga?"

"Extra rice!!"

Anak ng Tokwa ang dami ninyong request si Sharon Cuneta ba kayo at ako ang Mr. Dj niyo? Isa pa itong si Lovely eh,kesyo may nakasched na daw na practice siya kaya hindi muna siya makakahelp. Potek kinagat naman ni Nanay ang palusot ng isang to.Si Nanay Nida naman ay ang nakatoka ngayon sa mga nagbabayad habang ako ang nababaliw kakatakal at kakaserve sa mga customer. Nagkataon din kasi na may event sa munisipyo na malapit lang sa amin kaya dagsa din ang tao ngayon. Kaya naman pala ang dami ding niluto ni Nanay na putahe kaninang umaga so hindi pala siya nagkataon guys, alam ni Nanay di niya lang sinasabi sa akin. Hmm dugasan ha.

"Atong magcontrate ka diyan kung ano ano ang tinatakal mo eh" dinig kong saway ni Nanay sa akin na nginusuan ko lang. Dapat kasi nagJolibee na lang itong mga to eh. (Medyo walang kwentang anak)


"Kuya isa pang takal ng adobo..."

"Extra rice!!"

"May sofrdrinks kayo"

"Wala ng bopis?"


"Wait lan...." sagot ko sana nang may biglang magsalita sa likod ko.

"Isang order ng adobo coming. Boss wala kaming softdrinks dito eh. Naku naubos bopis Nanay eh." Bibong sagot nito habang binubuhol niya ang apron sa bewang niya.

Teka anong ginagawa nito dito?


"Tingin ka diyan? Mamaya mo na ako titigan haha. Back to work, dami pang parating oh" nakangiting nitong sabi kaya wala na akong nagawa kung hindi ibaling ang atensyon ko sa mga customers. Shuta din naman kasi eh,mga walang kabusugan ha? Yan si Kuya kanina pa yan extra rice nang extra rice. Naku magsasaing na naman ako mamaya.


Magaalas-dos na ng hapon nang lumabas ang last naming customer na mukhang hirap na hirap na ding tumayo sa dami nang kinain. Ginawa ba namang romantic baboy ang karinderya namin. Pero eto kami ngayon na tulalang nakatingin sa simot na mga nilutong putahe ni Nanay Nida. Grabe solid talaga maglutong tong ermat ko. Blockbuster mga tsong eh!


"Okay ka lang?" Tanong ng kasama ko habang nakasandal ako at nakatitig sa tambak na hugasin at taob na mga kaldero.


"Ha? Oo. Salamat. Anak ng Tokwa para kaming binagyo" ani ko na ikinangiti nito.


"Bakit ka nga pala napapunta dito?" Agad na tanong ko habang hinuhubad niya naman ang suot niyang apron.


"Baka kako kailangan mo ko hahaha" sagot nito bago sinubong si Nanay na kalalabas lang ng bahay namin. Isa pa itong si Nanay na for sure pagod na pagod ngayon. Kawawa naman.


"Naku napakabait mo talagang bata Bernard. Maraming salamat at tinulungan mo kami ni Atong" pasasalamat ni Nanay after magmano sa kanya ni Bernard.


"Wala po yun Tita. Hindi na po kayo iba sa akin ni Atong and Im on leave naman so why not help?" Sagot nito habang nakangiti.


Hindi ba siya nangangalay? Nakakangalay kaya ang laging nakangiti. Siguro kung nagpageant to for sure my matic dalawang awards na to, Mr. Photogenic at Mr. Congeniality. Yung sa photogenic feeling ko lang pogi siya sa picture haha.


Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon