XIII'

2.4K 221 105
                                    



"Chef, wag na po kami na po ang bahala diyan" pigil sa akin ng isa sa mga waiter ng resto habang tinatanggal ko ang apron ko dito sa backroom ng kusina.


"Hindi na, mas kailangan kayo sa loob. Peak hour kulang tayo sa tao kaya ako na ang bahala dito. Mas mahalaga na nandoon kayo" sagot ko dito habang halata naman sa mukha nito ang pagaalinlangan kung susundin ba ako o hindi.



Hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na ito at mukhang minamalas ata ako. Halos kalahati kasi ng mga waiters at helpers namin ngayon ang hindi nakapasok dahil sa magkakaibang rason. Kahit pa na-plot ko naman nang maayos ang mga off nila ay alam ko naman na hindi pa rin maiiwasan ang mga emergency leaves. Nagkataon din na ngayon ang dating ng bulto ng mga supplies namin kaya wala akong choice kung hindi tumulong sa dalawang natitirang helper namin.



"Chef kami na lang po dito,kaya na po namin" pigil sa akin ng isa mga helper namin.



"Sayang ang oras. Tutulong na lang ako. Marami pa tayong hahakutin ani ko habang binubuhat ang isang crate ng mga gulay.



Mabuti na lang talaga at wala akong nakaschedule na errand o meeting ngayon para sa resto. Ang plano ko talaga dapat ngayon ay mag observe sa resto para makita ko ang mga dapat iimprove pero dahil nga sa unforeseen events katulad nito ay mukhang kailangan ko munang icancel ito.



Patuloy lang kami sa pagbubuhat nang may bigla na lang may sumulpot sa likod ko na mukhang galing sa likurang daan ng resto.



"Saan to dadalhin?" Tanong nito habang bitbit-bitbit niya na ang ibang supplies.



"Ha? Baste? Wait Baste. No need na" ani ko habang binababa ko ang hawak ko pero parang walang lang itong narinig at pinagpatuloy ang ginagawa.


"Huy ano ba?! Ano ba yang ginagawa mo?Ibaba mo yan" saway ko dito pero ngumisi lang ito bago niya binaba ang buhat-buhat niyang gulay.



"Hindi mo naman kailangan gawin yan Baste. Kaya na namin yan saka hindi ka naman namin empleyado. Saka bakit ka pala nandito?" Tanong ko habang pinupunasan ko ang pawis ko sa noo.



"Balak sana kitang kamustahin , eh nagkataon naman na may nilakad ako sa isa sa mga Government Offices diyan kaya dumaan na din ako. Sabi ng mga staff mo sa labas, busy ka daw kaya umikot ako dito sa likod" sagot nito habang tumatawa.



"Oo pasensiya na Baste ha. May mga emergency eh. Madami lang kailangang gawin dito sa resto" sagot ko



"Kaya nga tumulong na ako eh. Naku di ka pa naman sanay magbuhat ng mabibigat, makakalas yang nga buto mo" biro nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.



Anak ng tokwa tong lalaking to ha? Balak pa ata akong pahiyain sa harap ng mga helpers namin.



"Kapal ha? Nakikita mo ba to (sabay flex ng braso ko), sino ngayon ang makakalas ang buto?" Mayabang kong tanong dito na ikinatawa pa nito.




"Tsk tsk. Niyayabang mo sa akin yan eh parang ting-ting lang yan sa paningin ko. Eto ang totoong muscles (sabay flex niya ng braso), oh kitams? Bumilib ka noh?" Pagyayabang nito



"Psh. Kapal mo" ani ko na lang




Tinuloy namin ang paghahakot ng mga supplies sa loob ng storage room at dahil nga ayaw ding magpapigil ni Baste ay hinayaan ko na lang ito na tumulong. Dahil nga din sa tulong niya ay mas napabilis ang gawain namin dahil bukod sa additional manpower ay di hamak nga na malakas si Baste kaya halos wala lang sa kanya yung mga hirap na hirap naming buhatin.



Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon