XII

2.3K 197 36
                                    




"Ano ka ba Atong, kauuwi mo lang aalis ka na naman agad? Kaloka ha,hindi mo man lang pinapansin ang beauty ko here" saway sa akin ni Lovely habang inaayos ko ang gamit ko.


"Alam mo naman na madami akong kailangang gawin di ba? Wala pang nagbabantay kay Gideon sa ospital, kawawa naman yun pagkagising niya kung hindi niya ako maabutan" sagot ko dito


"Ay taray pakonsensiya naman agad to? Alam no naman na wala na agad akong say pag si St. Gideon na ang topic" ani nito



Dalawang araw na kasing dito nag-iistay sa unit ko si Lovely. Hindi ko din alam ang biglaan niyang pagdedesisyon na lumipat muna dito gayong ang lapit-lapit naman ng trabaho niya sa bahay namin sa Bulacan pero katulad nga nang sinabi niya ay on leave naman daw siya kaya walang problema.



Nag-aalala man dahil walang makakasama si Nanay sa bahay ay siniguro naman nito na, sa bahay daw natutulog ang isa sa mga helper namin sa karinderya para may kasama naman si ito.



"Ikaw ba Atong,inaalagaan mo ang sarili mo ha? Tignan mo nga itsura mo, pumapayat ka ding bakla ka. Sinasabi ko sayo,hindi nakaka-fresh" puna nito sa akin.




"Wala akong panahon maging fresh. Madami akong need gawin" sagot ko na lang dito sabay sakbit ng bag ko. Magdadala kasi ako ng mga bago naming gamit ni Gideon sa Ospital, tsempo na din na nakapagpalaundry ako kanina.



Ilang linggo na din na halos gawin kong bahay ang Ospital pero wala lang naman sa akin yun. Ang totoo niyan,mas gusto ko yun dahil nababantayan ko si Gideon, at agad ko itong naaalalayan at napagsisilbihan kung may gusto siya.


"Ay suplado ka na couz. Ganyan ka na ba as a person?" Pang-aasar pa sa akin ni Lovely.


"Lovely,wag makulit. At saka sure ka ba na dito ka muna magiistay? Wala kang kasama dito dahil madalas nga ako sa Ospital? Baka mainip ka lang dito ha?" Tanong ko dito



"Oo nga juliet juliet ha? And bakasyon ko so need ko ng ibang environment free from stress,virus and antibodies. Ganern! Ito naman parang ayaw mo ata ako dito eh! May pagtataboy akong nararamdaman ha" pagtatampo nito sabay irap sa akin.



"Naku tampalin pa kita eh. Sige na aalis na ako, may mga pagkain diyan sa fridge. If you need anything or may emergency dont hesitate to call me. Alright?" Ani ko dito



"Naaalibadbaran ako sa pageenglish mo. Umalis ka na nga. English english dati naman ang kapal ng libag mo sa leeg" nakasimangot nitong ani sa akin



"Porket kupit ka nang kupit kay Nanay para makabili ng bambini?" Nakangisi kong ganti dito



"Porket bitak bitak ang sakong mo sa paa kasi lagi kang nakayapak pag nag-aagawan base kayo sa labas?" Ganti naman nito. Aba ayaw magpatinag ha?



"Porket hindi ka namin sinasali kasi ang lakas ng putok mo? Kasi ayaw ka pagamitin ni Nanay ng deodorant kasi lalong nangingitim kili-kili mo?" Natatawa kong ganti ulit dito



"Hmmm tutulog na ako. Punyeta ka" ani nito sabay talikod sa akin kaya humalakhak na lang ako sabay lakad palabas ng unit ko.



"Maglock ka dito ha?! Sige na bye!" Huling sabi ko dito bago ako tuluyang lumabas.


Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang marinig kong magbukas ang pinto at lumabas si Lovely na tumatakabo papunta sa akin. Pero nagulat pa ako nang bigla na lang ako nitong yakapin.



"Pag kailangan mo nang maiiyakan.....nandito ako ha" ani nito dahilan para mapangiti na lang ako at suklian ang yakap niya.



"Oh siya done na ang drama ko. Insan penge nang 300 oorder lang ako foods baka magmukhang ako later or ASMR challenge" nakangisi nitong sabi habang naka-abang ang kamay. Kaya nakangiwi na lang ako nagbigay ng 500 dito sabay tulog sa paglalakad. May kailangan naman pala ang gaga.




Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon