XX' Pre-finale

2.3K 167 33
                                    

Hi Guys! I know its been a while simula ng last na tuloy-tuloy na update ko but still thank you pa rin sa mga nagbabasa at naghihintay ng update. And yes, nasa pre-finale na po tayo ng story na to. Know na hindi ito minadale dahil before ako mag MIA ay last three chapters na lang po talaga ang story na ito.

Again salamat sa mga patuloy na sumusuporta and enjoy!





"Iniiwasan mo ba ako?" Ganting tanong naman nito.



Tanong nito dahilan para mapatitig ako sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung paano sagutin yang lecheng tanong na yan. Lakas maka-bobo pero bakit ba ang hirap sagutin ng mga tanong na may kinalaman sa puso?



"Come on Atong. Ano bang problema? May nasabi ba akong mali? May nagawa ba akong hindi mo gusto,well given na oo dahil lagi tayong nag-aasaran pero ano yun para umabot sa point na iiwasan mo ko?" Frustrated nitong tanong sa akin.



"If wala ka ng concern,i'll have my staff assist you." Ani ko na lang bago ako tuluyang umalis at tumakbo papunta sa backroom ng restaurant.


Tanginang kaduwagan to! Bakit ba nagfefeeling kang magandang bida at kailangang habulin ka lagi? Punyeta kahit ako naiinis sa sarili ko sa mga ginawa ko pero ito pa lang...ito pa lang yung kaya kong gawin.



"Tanga! Bobo! Duwag! Ano bang mahirap sa pagsabi nang iniiwasan kita? Na ayokong dumikit sayo? Na natatakot ako?" Gigil kong sabi sa sarili habang sinisipa ko ang pile ng mga basura na nandito sa likuran ng resto.


"Bakit mo ba pinapahirapan sarili mo Atong?Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ka naman ganito dati ah? You used to be carefree and tactless pero ngayon, what's holding you back?" mahina kong tanong sa sarili habang ginugulo ko na ang buhok ko.



"I just hope na ililigpit mo yang pinagkakalat mo after. As a boss dapat alam mo na nirerequire yun ng Sanitary office" boses sa likuran ko na nang makita ko ay si Ryan pala.



"I will" ani ko na lang hoping na babalik na siya kitchen pero nagkamali ako at lumapit pa ito malapit sa akin. He's no longer wearing his toque and apron.



"I was about to ask you if youre okay pero halatang namang hindi? Seems like hindi lang normal na customer ang nakausap mo kanina" umpisa nito habang nakayuko pa rin ako at nakasandal.


"Someone from my past" ani ko



"Na nasa present mo and nagkakaganyan ka ngayon kasi youre torn if papayagan mo ba siyang maging parte ng future mo hahaha" natatawa nitong dugtong



"Sipain kaya kita Ryan? Tamang alaska ka diyan ha"inis kong sabi dito habang tinitignan ko siya nang masama.

"Come on, tama ako noh. Hay bakit niyo ba pinapahirapan ang sarili ninyo? Hindi ba pwedeng kung mahal mo at mahal ka naman ay kayo na? Over thinking sucks talaga" parinig nito sa akin.



"Hindi yun kasing dali nang iniisip mo. Kung ganun kadali tingin mo ba mag-iinaso ako dito? Batukan kaya kita diyan" angil ko dito.




"What? I have my point noh! Yan problem sayo eh,pagdating sa sarili mong issues sariling point of view mo lang ang pinapakinggan mo" ani nito dahilan para mapatingin ako sa kanya nang seryoso na ngayon ay nakapamulsa at nakasandal na din sa dingding ng backroom.


"What do you mean?" Tanong ko



"Hindi ko alam kung dala ba yan nang mind-set mo of being so independent pero sa ilang taon na pagiging magkabigan natin you never shared any personal problem sa akin or even sa amin nila Leila. You maintained to be strong and firm, pero tao ka lang Atong hindi lahat ng problema masosolusyunan mo nang mag-isa lalo na ngayon na wala na ang kaisa-isang tao na pinagkakatiwalaan mo" pangaral nito sa akin.



Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon