V

3.8K 245 40
                                    



"ATONG!!!!"

"ATONG!!!"

Sige Nay lakasan mo pa hindi pa dinig sa kabilang bayan. At pilitin ko mang magpanggap na hindi ko naririnig si Nanay ay wala din naman akong magagawa dahil for sure after 5 minutes ay nandito na yan sa kwarto ko. Invade na naman ng dayuhan.

Anong oras na ba? Teka, alas-otso pa lang ng umaga ha? Bakit ang aga naman ng schedule ni Nanay para bulabugin ang mahimbing kong tulog? Ano bang meron?


"Aba Atong! Mapuputol na ang litid ko kakasigaw sa baba ni-ha ni-ho di ka man lang nagreact. Lintik kang bata ka" ani ni Nanay. Sabi ko sa inyo diretso sa kwarto ko ang force ni Nanay eh with matching paghila pa yan sa kumot ko na may design na bulaklak, hmm galing bumbay yan. Wag kayo magdeny may ganyan din kayo for sure.


"Nay naman mamayang tanghali pa ang schedule nang paggising niyo sa akin."angal ko na agad naman nitong sinagot nang pagbato ng unan sa akin


"Mahusay kang bata ka!! Talagang feel na feel mo na may taga-gising ka eh. Bumaba ka doon, Atong" ani nito


"Nay mamaya na ho. For sure ako naman magsasara ng karinderya mamaya eh. Gusto kong mapag-isa Nay. I need time for myself" madramang pakiusap ko hoping na kakagatin niya yun.


"Aba tigil-tigilan mo ako Atong ha. Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan" ani na lang nito. Okay its official ladies ang gentlemen, hindi niya kinagat.


Routine na sa amin yun , kaya hindi na rin nag-eeffort masyado si Nanay Nida na gisingin ako nang maaga kasi sa tanghali hanggang hapon naman ay ako na ang nakatoka na magbantay at magsara ng karinderya. Oh ah! Akala niyo tamad ako noh? Tsk tsk sinasabi ko sa inyo eh.


"Oo alam ko na yang bata ka. Nakakahiya naman sayo na ikaw na ang gumawa ng routine natin dito. May naghahanap sayo sa baba kaya bumangon ka diyan" sagot nito dahilan para tanggalin ko ang pagkakatakip ng kumot sa mukha ko.


At sino naman ang hinayupak ang maglalakas loob na gambalain ako sa paggising ko? Sino ang lapastangan na yan?!


"Bumaba ka doon Atong ha, wag mong paghintayin si Baste sa baba. Babatukan talaga kitang bata ka" sabi pa ni Nanay bago siya lumabas ng kwarto ko.


Anak ng Tokwa?! Si Baste na naman? Lakas talaga maging panggulo ng lalaking ito sa buhay ko! Pati pagtulog ko gagambalain eh. Labag man sa loob ko ay wala akong nagawa kung hindi bumaba na lang dahil na din sa pagbabanta ni Nanay. Yung totoo Nay sino ang anak mo? Ako o si Baste, mga bata pa lang kami napapansin ko na...joke.


Si Nanay din naman kasi eh, kung makakampi kay Baste akala mo Anghel yung unggoy na yun. Hindi niya ata alam na matagal nang nandito sa bahay ang anghel na hinahanap niya, malabong si Lovely dahil 10 inches na ang sungay nun..so ako mga bui..wag kayong slow.



Pababa na ako ng hagdan nang marinig ko ang hagikhikan sa sala namin at nang silipin ko ay...


"Hoy Lovely! Umalis ka nga diyan" sita ko sa pinsan ko na naka-kandong kay Baste. Anak ng tokwa ano to? Trip to Jerusalem?


Aba ang tindi din talaga ng babaeng ito eh. Talaga ba? Dito talaga sa bahay Lovely? Hindi man lang sa sogo?


"Naku insan,occupied na kasi yung mga soffa natin kaya kumandong na lang ako kay Baste. Mabigat ba ako?" Malanding sagot nito sa akin sabay baling kay Baste na hindi ko alam kung ano bang emosyon ngayon. Mas mukha siyang natatae though, sorry ka sa though pang mayaman.


Parang tukmol din itong lalaking ito eh. Hindi man lang pinigilan yung pinsan ko sa kaululan niya eh. Ako lang talaga ang bright dito, Lord how can I handle this?


Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon