XVII'

2.4K 174 77
                                    


"So yun na nga,sobrang nakakakilig yung 2gether, medyo nabitin lang ako sa ending. Pero nakakakilig din yung loveteam ni Man at Type. Cutie si Man ha tap...." kwento ni Lovely


"Hoy nakikinig ka ba?" Tanong nito


"Hoy!! Ano bang nangyayari sayo?!"



"Ha?" Gulat kong tanong dito



"Hoy Atong ano na namang inaarte mo diyan? Hindi ka nakikinig ha? Kaloka ka. Manuod ka na kasi ng 2gether pwede din ang TharnType basta madaming bongganh BL series ngayon" excited na kwento noto


"Ano yung BL?" Takang tanong ko dito habang nakakunot ng noo ko.


"Hay naku ewan ko sayo. Mag home along the riles ka na lang. Anyway,highway,expressway, anong problema mo ha? Sabi ko kasi sayo kanina wag ka nang pumasok eh. Feel ko namatanda ka na Atong" ani ni Lovely na agad kong sinamaan nang tingin.


Anong magagawa ko kung hindi ko naman talaga alam ang BL? Talaga ba Atong? Totoo ka ba? Yun ba yung pinapahid sa mukha? Ah ewan.



"Dami mong alam. Naghugas ka na ba ng pinggan ha? Dinadaldal mo na naman ako. Tignan mo isusumbong talaga kita kay Nanay" pananakot ko dito



"Subukan mo! Hawak ko ang pamilya mo. Charot. Sige na maghuhugas muna ako." ani lang nito sabay tayo at punta sa kusina para hugasan ang pinagkainan namin. Mabuti na lang din at nagpapahingan na si Nanay ng ganitong oras at hindi niya na nadidinig ang mga kalokohan namin ni Lovely.



Simula din kasi nang bumalik ako dito sa Bulacan ay mas naging matindi ang pangungulit ni Lovely sa akin sa pakikipagkwentuhan. May mga pagkakataon pa nga na hindi kami titigil sa pagkukwentuhan ni Lovely hanggat hindi bumababa si Nanay para bulyawan kami.



Pero bakit nga ba ako nagkakaganito? Ah ewan. Anak ng tokwa namn oh. Hindi ko alam pero hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung eksenang nangyari sa plaza. Alam ko iniisip niyo din yun. Tama naman na isipin ko noh? Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat maramdaman. Pero natapos ang gabing yun nang wala man lang ako nasabi, oo mga tsong para lang akong tanga na nakatingin sa kanya hanggang sa maihatod niya ako dito sa bahay. Dahil unang-una hindi ko rin alam kung ano ang dapat sabihin. Anak ng tokwa Atong ano na naman bang sakit ng ulo tong ginagawa mo?



"So spill mo na, nakapag monologue ka na diyan. Ewan ko ba sa mga bida bakit required may ganun sila? So ano nga yang gumugulo sa isip mo?" Tanong ulit ni Lovely habang tumatabi ito sa akin sa sofaz



"Tapos ka na bang maghugas ha? Bakit ang bilis naman ata? Baka naman pinagtatapon mo yung mga platp? Ito makatsismis lang eh" bintang ko dito



"Oa ha? Makabintang?! Syempre trained tayo maghugas ng mga pinggan sa karinderya kaya basic na lang yan. So ano nga? Ano nga ang problem mo Atong ha? Wag ibahin ang topic di nakakapretty yan" Kulit ni Lovely.




Pero nag-isip muna ako nang malalim at bumuntong hininga.



"Ay baho ah?! May problem sa hygiene?" Reklamo nito



"Kahit napastahan na lahat ng bulok ko?" Ganting tanong ko dito.



"Eme lang couz.,di naman mabiro to. So ano nga problem? Ishare mo kasi sa akin para hindi ka parang adik diyan na hindi mapakali at malalim lagi ang iniisip" kulit nito.



Bahala na. Sasabihin ko na lang. Tutal alam ko na din namang magiging reaksyon nito eh. Need ko lang din ng taong pagsasabihan ko ng mga iniisip ko lalo na ngayon na wala na si Gideon.




Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon