IX

2.5K 176 34
                                    



"You okay bro? Sorry I cant help it, I was really worried" bungad nito sabay yakap sa akin



"Gideon...."



"Are you okay? Nanay called me a while ago saying nga na baka isa ka sa mga natrap sa elevator" sagot nito after niyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin



Ewan ko ba mga tsong kung bakit parang naputulan ako ng dila at hindi man lang makapagsalita. Siguro pinaghalong takot sa pagkakatrap at pagkabigla din dahil natutulog pa ito nang iniwan ko kanina eh.


"Di ba may sakit ka? Gideon naman eh" bulong ko dito habang hinahawakan ko ang kamay nito.



"By the way, Hi maam I am Gideon, Atong's boyfriend" pakilala ni Gideon kay Tita Belinda.



"Hi Nice to meet you iho" sagot ni Tita na parang manghang-mangha sa imahe ng lalaking kaharap niya ngayon. Yes guys, I am not exaggerating noong sinabi kong gwapo si Gideon coz he really is hindi lang talaga siya mayabang katulad ko.


"...bro..Gideon" ani ni Gideon kay Baste na nakatitig sa akin ngayon.


"Baste..." ani nito bago tinanggap ang nakaabang na kamay ni Gideon habang sa akin pa rin ito nakatingin. The hell Baste?!




"Uhmm Bro, bakit ka pa pumunta? May sakit ka eh you should be resting na. Okay na naman eh" singit na tanong ko kay Gideon dahil nag-uumpisa nang maging awkward ang atmosphere.



"When I heard na natrap ka nag-alala lang ako bro. Yung phobia mo. Good thing na lang at may kasama ka sa loob. Baste, pre thank you ha. Salamat sa pag-aalaga" ani ni Gideon sabay tingin kay Baste na hindi ko pa rin maipaliwanag ko ano ba ang emosyon ng mukha ngayon.





Hindi na rin pa nagtugal ang scenario na yun dahil palalim na nga ang gabi at uuwi pa sila Nanay sa Bulacan. Willing na sana kami ni Gideon na ihatid si Nanay sa Bulacan pero Baste insisted na siya na lang daw ang bahalang maghahatid kay Nanay dahil malapit lang naman ang tinitirhan namin sa subdivision nila.



"Uhmm Baste, thank you ha" ani ko kay Baste habang sunasakay naman sila Nanay at Tita sa kotse nito while Gideon is getting ny car.



"Wala namang problema yun. Hassle kasi kung magpapabalik-balik pa kayo nung syota mo" sagot nito



"Well actually. And nga pala...salamat din sa pagsama sa loob ng elevator, I mean kung hindi ka humabol baka natrap ako mag-isa doon hahaha" natatawa kong sabi dito


"Hmmm sure kahit hindi ka naman mukhang thankful noong humabol ako" nakangiti nitong sabi


"And sorry... I dont want to be rude Baste. Alam ko naman na naiintindihan mo bakit ako ganun sayo,yung treatment.Dont worry, kinokonsider ko naman na patawarin ka pero I need more time" seryosong sabi ko dito na ikinangiti nito




"Thats more than enough Atong. Hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya dahil diyan" ani nito



"Mukha siyang mabait na tao. Masaya ako para sayo Atong. Panatag ako kay Gideon" dagdag nito na sinagot ko na lang ng ngiti.




Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon