X

3.3K 245 51
                                    



"Ang layo naman nitong pinuntahan natin. Lakas makafield trip ha? Baka mamaya sa gardinia na next natin ha? Di man lang ako nakapagdala ng sandwich" Biro ko dito habang kinakain yung binili niyang burger. Okay tamang timawa lang.


"Sorry Atong haha gusto ko lang talaga makita ang sunset dito." Ani nito habang tumatawa.



Nandito kami sa isang sikat na pasyalan mga two cities away from our place. Akala ko naman kung saan lang kami pupunta kanina yun pala may paglalakbay na magaganap. Pero syempre dehins na din ako magrereklamo dahil libre naman ni Bernard at saka minsan ko lang makakasama yung tao.


"Di ka ba nagagandahan sa sunset?" Tanong nito



"Oks lang. Maganda naman. Kaya lang nakakasilaw eh" ani ko sabay kagat sa burger dahilan para matawa siya. Potek anong nakakatawa sa sinabi ko?



"Arent you the most genuine person Ive ever met?" Biglang sabi nito dahilan para mapatingin ako sa kanya. Ano daw?


Ito ang kinaiinis ko eh,bakit kailangang magenglish bigla? Hindi ba pwedeng simpleng kwentuhan lang, walang paduguan ng ilong.


"Pinagsasasabi mo diyan" sabi ko na lang. Uyy kunyari patay malisya.



"Wala. Anyway, look..tignan mo yung araw habang unti-unti na siyang nagtatago sa dagat. Sobrang ganda,serene,peaceful." ani nito habang titig na titig siya sa sunset.



Maybe ito ang difference nila ng kapatid niya. Bernard is the serious type while Baste is definitely the chill one. Ang lalim kausap ni Bernard,papunta na nga ata sa pagiging poetic eh habang si Baste naman ay what you see is what you get tapos minsan pag badtrip siya parang bigla siyang manununtok.



"Hindi ba nakakalungkot yan? Wala na padilim na eh. Ending na yan haha. Kaya ako mas fun ako ng sunrise, kahit tanghali na akong magising" biglang sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin



"Endings are beginnings. Just like sunset, in life mayroon at mayroon kinabukasan. Kung hindi yan lulubog,walang sisikat kinabukasan"  makahulugan nitong sabi sa akin habang ako naman ay parang nabato-balani sa pagtitig niya sa akin. Anak ng tokwa bakit parang nahyhypnothise ako nito?


"Ha?" Ani ko


"Youre the cutest Atong hahaha. Tara na uwi na kita" ani nito



Teka bakit niya ako iuuwi eh may bahay naman kami? Hahaha nabobobo na ata ako dito. Yung image mo Atong! Naku magenglish ka next chapter!


Dahil nga gabi na din ay nagpasya na kaming umuwi ni Bernard. Isa pa sa napansin ko ay ang difference nila ni Baste nang pagpapatakbo ng motor. Iba ang ingat ni Bernard,may mga times nga na ako na lang ang nagsusuggest sa kanya na sumingit o hunarurot pero dahil matino siya,syempre hindi niya ginawa. Okay tamang bad-influence na naamn mga pre.



Mukhang tinotoo nga ni Bernard ang sinabi niya dahil sa bahay nga nila kami dumiretso.


"Wuy! Uwi na ako Bernard. Anak ng tokwa ka di mo pa ako dinaan sa bahay namin haha" ani ko pagkababa ng motor.


"Di ba I said,iuuwi na kita? Haha" natatawa nitong sabi


"Siraulo. Sige na pre, uwi na ako. Salamat sa libre saka sa paalikabok sa mukha" ani ko


"No,I was just kidding Atong. Ihahatid kita mamaya right after the dinner. Pinagpaalam na kita kay Tita Nida na dito ka maghahapunan" pigil nito sa akin habang tumatawa.


Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon