VII

2.9K 191 38
                                    



"Seriously Bro, yun pa talaga ang kinakampihan mo?" Hindi ko makapaniwalang tanong kay Gideon habang nandito kami sa office niya sa resto.


"Its not like may kinakampihan ako bro. I am just giving him the benefit of the doubt. Five years is five years bro. Don't be too harsh bro" katwiran nito sa akin.



Oo mga tsong, katulad nang sinabi ko noon, wala akong itinatago kay Gideon so lahat ng mga nangyari noong nakaraang ay kinwento ko sa kanya. Just like what I have expected, ay hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.



"Nasaktan ako bro. Ginamit. Pinaglaruan" ani ko dito



"And hindi ko inaalis yan. I respect that. Pero atleast give him some chance to explain his side. The pain is still there,obviously but I also feel na its about time for it to be healed." Sermon nito sa akin na ikinalaki ng mata ko. Anong banh tinutumbok nito? Anak ng tokwa ha!



"Sinasabi mo ba...." tanong ko sana pero siya na ang nagtapos nito.



"That you need Baste,bro. Kailangan mo siya para magmove on" insists nito na ikinalaki pa lalo ng mata ko.




"Hoy Gideon, isat kalahating shunga ka ba ha? Ex ko yun! Boyfriend kita. Bakit ba parang tinutulak mo ako pabalik sa kanya. Hindi mo na ba ako mahal?" Yamot kong tanong dito na ikinangiti naman nito.



"Bro, ginagawa ko to dahil mahal kita. And katulad nang sinabi ko dati secured ako sa kung anong mayroon tayo. Gusto ko lang mawala ang pain sayo, sa puso mo." Amo nito sa akin habang hinahalik-halikan ang kamay ko.



"Naka move-on na ako sa nangyari bro. Oks na yun. Pero yung galit ko sa kanya? Hindi ko alam. Gusto ko ngang sikmuraan kahapon eh ayoko lang manggulo sa birthday ng pamangkin niya" angas kong sabi dito




"Dont do that bro. Tignan mo dahil sa galit na yan,nagiiba ka. Hindi mo alam na nilalamon ka ng galit na yan, eventually turning you into a different person at ayokong mangyari yun. Ang minahal ko ay yung pilosopo,determinado, madiskarte,at marespetong binata from Bulacan." Paliwanag nito


"Nasaktan niya na ako noong nakilala mo ko Gideon" mahina kong sabi dito


"Bro that was fresh kaya inintindi ko. Okay lang yun. And ngayon? After five years? Youre still hurting bro and again okay lang sa akin yan...that will never be an issue for me...trust me Atong. Sinasabi ko to dahil nag-aalala ako for you. Sige nga, ano bang ginawa ng galit kay Baste?" Sinsero nitong sabi




"Ginamit niya ako. Sinaktan niya ako" parang bata kong sagot dito



"Precisely Atong, gusto mo bang maging katulad ng taong nakasakit sayo before?" Tanong nito kaya napaisip ako.



Anak ng tokwa!!! Bakit ang talino ni Gideon? Bakit lahat ng bagay laging may sense siya?



"Anak ng tokwa ka Gideon, Monster na ba ako?" Malungkot kong tanong dito



"Youre just mad,bro but still mahal kita" sagot nito.



"Sige na sorry na. Tatry kong maging mabait atleast civil sa next time na magkita kami but for now pumayag ka na naiuwi kita para makapagpahinga ka. Please bro" sabi ko dito



Napansin ko kasi kanina ang pamumutla nito habang nasa resto kaya palihim ko itong hinila papasok ng office niya with the palusot na may icoconsult ako sa kanya pero ang totoo gusto ko lang siyang magpahinga.


"Kaya ko naman" tanggi nito



"Eh dagukan kaya kita Gideon. Dati hindi ka naman ganyan kakulit." Sermon ko dito



Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon