XVI'

2.4K 189 60
                                    




"Anak ng tokwa naman ,oo!! Jusko po!"


"Bakit naman dito pa?" Ani ko habang tumitingin sa paligid.


"Kung minamalas ka nga naman oh." Reklamo ko habang tinitignan ko ngayon ang gulong ng sasakyan ko na ngayon ay flat na flat na. Potek bakit ba hindi ko man lang naramdaman to bago ako umalis?



Lakas naman mantrip ng tadhana eh noh? Talaga bang dito pa sa expressway? Potek kung kelan ka naman nagmamadali saka ka pa pinuputakte ng mga ganitong kamalasan eh. Nakailang lingon na din ako sa mga kotseng dumadaan hoping na may maawa at tulungan ako pero mukha wala naman silang pakialam sa akin.



Ang cute cute ko pa naman, wala bang katulad sa mga eksenan sa pelikula diyan na hihinto at tutulungan ako? May ganun di ba?!


Mga sasampung minuto na akong nandito at tanging pag hahanap lang ng online na talyer ang ginagawa ko ,ni hindi ko nga alam kung may ganun bang bagay? Basta gusto ko lang isipin na may ginagawa ako kesa naman nakatanga lang ako dito. Bakit ba kasi walang maawa sa akin ha? Kahit hitchhike lang jusko naman.



Nasa gitna ako nang pagsimangot nang biglang magring ang telepono ko.


"Chef, saan ka na? Padating na mga kameeting mo" bungad ni Chef Ryan. Jusko dumagdag pa ito sa iisipin ko. Hindi ko naman pwedeng icancel ang meeting na ito dahil investor ito kung magkataon.



"Ah...oo. Ano.. Ano kasi Ry. On the way na ako Ryan,medyo nagka-aberya lang." Sagot ko habang nagkakamot pa ng ulo. Sa stress po ito hindi sa balakubak.



"Kailangan mo ba ng tulong? Baka may maitulong ako Chef" tanong nito na medyo ikinatigil ko. Ok Ryan kailangan ko! Kailangang-kailangan! Mabuti naman at tinanong mo



Magsasalita na sana ako nang marinig ko naman sa kabilang linya ang boses ng mga staff namin na kaliwat-kanan ang tanong kay Chef Ryan. Hindi na rin nakakagulat dahil si Ryan din naman ang madalas na officer in charge lalo na kapag wala ako sa resto. Bukod dito ay halos sabay kaming nagumpisa ni Ryan sa resto kaya halos parehas lang din kami ng kaalaman sa pagpapatakbo ng Resto.


"Chef?" Tanong ni Ryan nang hindi ako nakapagsalita sa kabilang linya.



"Ah...ano.. no need na siguro Ryan. If ever dumating nang maaga yung mga kameeting ko just entertain them muna siguro? Be in-charged muna Chef ha" ani ko na lang sabay baba ng telepono ko.



Anak ng tokwa. Ano bang meron at bakit kailangang ganito ako kamalas ngayon? Mabuti naman akong tao, tinirhan ko naman ng tocino si Lovely kanina, hinugasan ko naman yung pinagkainan ko kaninang almusal., wala naman akong nadaang itim na pusa kanina ha?! Ugh!



Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng kahit na sinong pwedeng tumulong sa akin nang may makita akong motor na papahinto sa kinatatayuan ko kaya mas kinawayan ko pa ito. Oo mukha lang akong tanga.



"Kuya, kuya...mabuti naman po at napansin ninyo ako. Manghihingi po sana ako ng tulong" agad na bungad ko dito habang humihinto ito sa harap ko.


Nang makahinto naman ito ay agad din nitong hinubad ang helmet niya pero anak ng pucha mukhang mas minamalas ata ako sa nakita ko. Talaga ba? Sa daming tao sa Northern Luzon ito pa talaga? Yung totoo? Syempre story niyo to malamang yan kaeksena mo.


"Baste?!!"Reaksyon ko


"Oh gwapong-gwapo ka na naman? OA ng reaksyon mo" Maangas na tanong nito habang sinusuklay niya ng kamay niya ang nagulo niyang buhok. Bakit ang ganda ng buhok niya? Yung totoo author.


Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon