VI

2.8K 224 86
                                    



"Bilis-bilisan mo naman nang kaunti Lovely, ikaw ba ang Nanay ng bata para pumustura ka ng ganyan ha? Ay naku ka!" Sermon ni Nanay kay Lovely na kanina pa namin dito hinihintay sa labas.


"Nay galit na galit? Kayo po ba ang lola ng bata para magmadali? Ay naku ka din Nay ha?" Ganti naman ni Lovely kay Nanay dahilan para matawa ako at titigan nang masama ni Nanay.


Pero bago pa maibaling sa akin ni Nanay ang kabadtripan niya kay Lovely ay sumakay na agad ako sa kotse. Actually kararating ko lang din kanina para nga umattend sa birthday ng anak ni Bernard.


"Bongga talaga at may kotse ka na Atong, hassle mag tric papunta doon. Alam mo naman ako ayoko ng may katabi sa loob ng tric so kung nagkataon, Nay alam mo na kung saan ka?" Daldal pa ni Lovely na ikinayamot ni Nanay dahilan para paluin siya nito ng dala nitong pamaypay. Ewan ko ba kay Lovely,nagiging hobby na niyang asarin si Nanay Nida.


"Baka gusto mong maglakad Lovely?" Ani na lang ni Nanay.



And yes mga tsong hindi ko na din napilit pa si Gideon na samahan ako and besides may mga errand siyang kailangang asikasuhin mamaya so hindi rin kakayanin ng schedule niya. Thankful na lang din ako at hinatid niya ako kaninang umaga dito sa bahay kaya kahit papaano ay nakapagbonding pa sila ni Nanay over breakfast then pauwi ay binook ko na lang ito ng grab. Sweet ng syota ko,alam ko.



Dahil nga sa kabilang barangay lang naman ang bahay nila Tita Belinda ay wala pang 20 minutes ay narating na namin ito. Mukhang maraming bisita dahil sa labas pa lang ay kita mo na na maraming batang naglalaro.



"Oh tara na baba na, gutom na ako. Si Nanay kasi eh di na nagluto ng tanghalian,umasa na sa birthday na to eh alas-dos pa naman" reklamo na naman ni Lovely na mukhang hindi na din nadinig ni Nanay dahil dali-dali din itobg bumaba,mukhang gutom na din.


"Oh tara na Atong... wag ka nang mag-inarte diyan" aya sa akin ni Lovely



"Yeah oo. Go ahead. Sunod ako" sagot ko naman



"Aysus!! Matatampal kita. Kailangan mo ng back-up doon. Tara na!" Walang preno nitong sabi kaya isang malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko bago bumaba ng sasakyan.



Katulad nang sinabi ni Gideon parte sila ng pagkatao ko at hindi dapat sila madamay ng isang pagkakamali.



"Taray Atong oh,pa-catering sila Tita Belinda, akala mo din naman talaga" puri ni Lovely na tinanguan ko din.



Actually maganda ang pagkaka-ayos, mukhang Marvel ang theme ng birthday party dahil sa mga design at ilang mascot na ganito ang costume. Mabuti na lang din at malawak ang bakuran nila Tita Belinda kaya hindi problema ang dami ng bisita.



"Ay bongga! Nakikita ko na ang buffet table. Tara na Atong! Tignan mo si Nanay oh,nakapwesto na doon" ani na naman ni Lovely


"Ganyan yan si Nanay, akala ata sa atin service lang" gatong ko pa dito dahilan para matawa kaming dalawa.



Papalakad na sana kami ni Lovely papunta sa kainan (kapal namin noh? Ni hindi pa namin nakikita ang celebrant,lamon agad?) nang may bigla na lang humawak sa balikat ko.


"Atong!"


Ewan ko ba pero putek bigla akong kinabahan. Napalunok tuloy ako ng laway. Pero good thing at nang lumingon ako ay si Bernard lang pala ito.


"Uy hi. Haha Happy Birthday Brix!! Yung regalo na kay Nanay. Akin talaga yun, feeling lang ni Nanay na siya ang nagbigay" bati ko sa bata habang kinukurot-kurot ang pisngi nito.



Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon