XIII

3.2K 246 45
                                    



"Oy oy may tao ba sa labas?" Tanong ko habang nagtatago ako likod ng kurtina namin. Lakas lang maka-agent nang ganitong pag-iinarte.

"Pinagsasasabi mo diyan?" Nagtatakang tanong ni Lovely sa akin habang tuloy pa rin siya sa pagsusuklay ng buhok.

"Kung may tao sa labas?" Tanong ko ulit


"Malamang! May karinderya tayo oh? May customer, si Nanay Nida, ako Dyosa. Tao kami shuta ka! Ano kami kaluluwa? Mga tanungan ha?" pabalang na sagot nito sa akin kaya tinulak ko na lang siya palabas.

"Wala kang kwenta kausap" inis kong sabi dito habang sumisilip pa rin ako sa labas ng bahay.

Dalawang araw na. Oo mga tsong dalawamg araw after nun at hanggang ngayon para pa rin akong ulol na hindi mapakali sa ginawa ng unggoy na yun. Pucha naman kasin eh! Ikaw ba naman ang halikan?! Right after that incident nagtatakbo agad ako pabalik ng bahay,nakasalubong ko pa nga ang nag-aalalang si Bernard noon pero hindi ko na rin siya pinansin pa at nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.

Tangina! Ano bang trip ni Baste? Pota ganun lang ba yun kadaling gawin? Anak ng tokwa hindi ako babae pero bat ganun? Bakit niya ginawa sa akin yun? Bakit naapektuhan ako ng ganito, to the point na natatakot akong lumabas ng bahay at bigla ko siyang makita. Tsong hindi ko alam paano ko siya pakikitungahan after nun! Bakit ako yung nahihiya sa ginawa niya.


"Huy! Ano bang problema mo?" Tanong sa akin ni Nanay mula sa likod na kanina pa pala ako tinitignan.


"Nay naman eh! Nagulat ako oh!" Gulat kong sabi dito


"Hoy Atong ikaw na bata ka?! Kahapon ka pa, sino ba ang pinagtataguan mo? May ninakawan ka ba? May napatay ka ba ha?" Bulong na tanong nito sa akin kaya napatingin ako sa kanya.


"Wala ng mas ikikrimen diyan Nay? Nay ako to oh? Atong to Nay. Nay anak niyo ko oh" ani ko dito dahilan para mapairap ito sa akin.

"Eh ano nga kasi ang problema?" Tanong ulit nito


"Wala Nay. Trip ko lang. Saka masama pakiramdam ko..." dahilan ko dito na agad nitong sinagot ng pitik sa ilong ko. Bakit ang bayolente?


"Aray ko Nay!" Ani ko


"Hoy Atong yun naman pala, nagtatamad-tamaran ka para lang hindi makatulong dito karinderya. Aba kang bata ka, pinagbigyan na nga kita kahapon at talagang hihirit ka pa ngayon" sermon nito sa akin.

Naku Nay buti sana kung nagtatamad-tamaran lang well given na naman na tamad ako pero may mas malalim na dahilan Nay. Kung alam niyo lang...Aruy.

"Hindi ho..." sabi ko na lang


"Magpahinga ka ngayon at kung bukas ganyan ka pa rin ipapacheck-up na kita. Doon ka sa ospital magpahinga ewan ko kung hindi ka magenjoy doon" pananakot nito sa akin dahil alam ni Nanay kung gaano ko kaayaw ang pumunta sa Ospital. Ewan ko ba parang mas lalo akong nanghihina pag pumupunta ako doon idagdag mo pa ang amoy nun na parang ewan.

Bumalik na din si Nanay sa karinderya kaya naiwan ako dito sa dining ng bahay para mag-almusal, (sorry ka sa dining pangmayaman). So balik tayo sa istorya, Anak ng tokwa yung Baste na yun mas napapagalitan tuloy ako ni Nanay dahil sa kakupalan niya. Mabuti na lang at hindi kami nakita ng utol niya dahil isat-kalahating tonelada ng kahihiyan ang mas mararamdaman ko.

Nasa kalagitnaan ako nang pagsawsaw ng pandesal sa kape nang may bigla na lang magsalita sa likod ko.

Si Papa...

Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon