IX

3.4K 218 36
                                    


"Ay oh busangot? Baka gusto mo isumbong kita kay Nanay ha. Tamang pagiinarte lang ha" sita sa akin ni Lovely habang nandito kami ngayon sa karinderya.


"Eh kung kaltukan kaya kita? Hindi ka na lang magtakal ng ulam diyan eh. Daming napapnsin? Mapanuri?" irita kong sagot dito.



Sabado ng tanghali ngayon at kami ang nakatoka ni Lovely na tumao muna sa karinderya. Well ako lang naman ang tao, dugong naman itong si Lovely. So yun nga, Dinaanan kasi ni Tita si Nanay kanina at mamasyal daw muna sila dahil matagal na daw silang hindi nakakapagbonding mag-bestfriend. Syempre noong una ayokong pumayag dahil gagabihin na naman sila umuwi, pero syempre biro lang yun dahil kurot lang ang igaganti sa akin ni Nanay kung nagkataon.



"So what's the problem nga? Come on spill it Atong busangot" pangungulit ulit ni Lovely dahil wala naman masyadong customer ngayon dahil nga sabado.



"Wala nga di ba? Paulit-ulit ka ha" yamot kong sabi dito dahilan para mapataas ang kilay nito.



Ilang segundo itong hindi nagsalita at nakatitig lang sa akin na para bang sinusuri ako.


"Mababatukan talaga kitang Lovely ka. Doon ka nga! Tingin tingin ka pang nalalaman diyan eh" Taboy ko dito



"Naku naku naku. Alam ko na ang dahilan nang pagtahimik at pagkabusangot mo. Noong isang araw ka pa ganyan Atong. And I can smell something fishy" nang-uulol nitong sabi habang ako naman ay parang kinabahan.


Anak ng tokwa naman Atong? Nagpapadala ka talaga sa pantitrip nitong pinsan mo na mayat-maya kung maglip-tint? Saka mas matanda ka diyan kaya dapat hindi ka nagpapatinag sa mga sinasabi ng isang yan. Saka hindi ka naman apekatdo,nyeta eh. Author pakidelete itong part na to ng story.


"Nga pala, nakasalubong ko si Baste kanina sa plaza...." ani bigla nito dahilan para mapalingon ako agad sa kanya.


"Ay agad-agad? Kara-karaka sa paglingon?" Pang-aasar nito kaya pinandilatan ko na lang siya ng mata sabay alis at pasok sa loob ng bahay.


Punyeta Atong!! Ano bang pag-iinaso yang ginagawa mo?! Anak ng tokwa naman oh! Bakit ka ba nagkakaganyan? Tangina naman ih! Bakit kasi isang linggo nang hindi nagpaparamdam yung unggoy na yun. Uhm syempre medyo nasanay na din ako sa kakulitan nun, uhmm para ko na ding Kuya yun.


Kinagabihan pagkatapos naming magsara ng karinderya ay siya namang pagparada ng isang magarang sasakyan sa harap ng bahay namin.
Siya na ba ang totoo kong tatay? Charot dedo na nga tatay ko di ba? Naku kung hahabol pa yan,sarado na kami,baka ihagis ko lang sa kanila yung kaldero.



"Sino kaya yan Atong noh?" Takang tanong ni Lovely sa akin habang pinupunasan niya yung mga tinidor at kutsara.



"Malay ko" ani ko na lang sabay punas sa mesang nililinis ko


"Ay suplado." Bulong na komento nito.




"ATONG ! LOVELY!! tulungan ninyo nga ako dito sa mga bitbitin ko!!" Dinig kong sigaw ni Nanay na siyang bumababa mula sa magarang sasakyan na nakaparada sa harap namin.



"Nay!! May car na tayo? Megalotto ba yan?" Excited na salubong ni Lovely kay Nanay na sinimangutan lang ni Nanay.



"Dalhin mo itong mga bitbit ko sa loob,kung anu-ano pinagsasasabi mo diyan, hitad ka talaga Lovely." Utos ni Nanay dito kaya napasimangot na lang ito habang ako naman ay papalapit na sa kinatatayuan nila.



"Nay gabi na ah" ani ko dito



"Mas matindi ka pa rin Atong,umaga ka na umuuwi" agad na bara nito sa akin. Grabe bumubwelo palang ako eh, naka-atake na agad siya? Gravity ha. Nagkakamot na ako ng ulo ay siya namang baba nila Tita at teka...ni B...


Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon