II

5.2K 290 48
                                    




"BASTE!!"


"Aba ikaw nga yan!! Naku naku Baste? Ang laki laki mo na" nasasabik na sabi ni Nanay habang naglalakad siya papunta sa kinatatayuan namin.


Malaki talaga Nay halata naman. Hindi ba obvious, kulang na lang bra sa laki ng chest niya Nay. Saka bat ba excited na excited Nay? Naku ha.


"Napadaan ka ata dito? Kamusta ka na? Aba at matagal din kitang hindi nakita. Kamusta ka na iho? Aba ang batang ito ah!" Sunod sunod na tanong ni Nanay dito hbang nagmamano sa kanya ang unggoy na ito.


Sige nga Nay paano makakasagot yan kung ang dami ninyong tanong? Ano to fast talk Nay? Naku naiistress ako sa style of questioning niyo Nay, hindi natutuwa si Tito Boy niyan.


Ano bang nangyayari? Bakit hindi ako informed sa reunion na pala ito? Papasok ba si Vickie Morales dito at sisigaw ng Wish ko lang?! Siya ba ang tatay ko? Pero hindi eh matagal ng patay si Tatay at sa kanya ko nakuha ang ilong ko. Pango si Nanay eh so cannot be.



"Naku Nanay may dinaanan lang po ako sa kabilang barangay at medyo inabot ng gutom kaya naisipan kong kumain muna." Ani nito habang tumatawa.


Anong nakakatawa sa sinasabi mo? Pinagtitripan ata nito si Nanay eh? Kakain lang pala dadayo pa dito, dadami pa tuloy ang hugasing kong plato.


"Aba mabuti at alam mo pa ang daan papunta dito? Mabuti hindi ka naligaw eh ang tagal mo nang hindi nakakapunta dito" tanong ni Nanay dito



Aba si Nanay ang daming tanong? Alalang-alala samantalang sa akin kung makasigaw kulang na lang bitayin ako at punitin ang blood vessels ko. Hindi ito tama,hindi maari ito, hindi ako makakapayag. Eme dami kong alam. Ang tagal naman matapos ng kamustahan na ito,hindi na ako natutuwa ha mabuti sana kung wala pa akong gagawin.


"Medyo naligaw lang ho Nanay kasi bata pa rin po ako ng huli naming dalaw dito ni Mama. Pero nakapagtanong-tanong din naman" ani nito. Aysus akala mo naman talaga mabait.


Buti nga sayo. Mangangapitbahay ka pa sa amin ha. Kung sa akin ka nagtanong baka nasa Ilocos ka na ngayon.Pati pagdodota ko ma-aabala pa dahil sa mga ito eh.


"Ay siya kumain ka na ba? Naku mabuti na lang at dito ka dumiretso..." natutuwang sabi ni Nanay kaya kaagad akong nagsalita. Maling mali ang tanong ni Nanay.


Naku Nay mabuti sana at dumiretso lang at hindi na huminto. Walang mabuti Nay dahil magdodota pa ako, pag-iinitin mo pa akong ng ulam. Bilhan mo na lang ng tigpipisong lechon manok o kiss yan , masarap namang ulam yun. Hayaan mong magutom yan Nay, laki-laki ng katawan niyan hindi yan agad papayat.


"Nanay sarado na ho tayo" ani ko


Feeling strong ako dito aminin mo. Akala mo naman hindi titiklop kay Nanay mamaya. Mapagpanggap.


"Hindi ko tinatanong kung sarado o bukas tayo ha" ganting sagot naman nito



Aba lumalaban na si Nanay sa akin? Hindi maaari ito, nagagawa niya na akong sagut-sagutin samantalang dati, mas malala. Loko lang. Nanay naman eh.



"Siya nga pala, Baste si Atong nga pala nag-iisa kong anak yan. Atong ang Kuya Baste mo, anak yan ng bestfriend ko nung College sa kabilang bayan" pakilala ni Nanay.



Jusko Nanay pakialam ko naman sa lalaking iyan. Kung bibigyan sana ako ng pera niyan baka ngitian ko pa yan.


"Kamusta pre?" Ani nito sabay tawa na alam mo namang napilitan lamg. Plastic mo bui naiirita ako sayo di na ako makapagdota.



Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon