Anak ng Tokwa

13.6K 330 22
                                    



Aba putek kanina pa sunod nang sunod ang unggoy na to ah? Wala ba siyang kapaguran? Samantalang ako pasuko na ang sapatos kakamadali dito?


"Bakit ba kanina ka pa takbo nang takbo?"


Anak ng tokwa! Syempre hinahabol mo ako?! At saka eh di wag siyang humabol! Pati pag takbo ko kukwestyunin pa eh hindi niya ba alam na this is good for the heart? For metabolism?


"Sagutin mo ako hindi yung pinipilosopo mo ako ha"


Ay matindi! Pati ba naman iniisip ko nababasa niya? I need privacy! Hindi niya ba alam na pawang kaalaman at wisdom lamang ang alam ng utak ko? Bakit kasi siya nandito? Kung alam ko lang na nandito ito eh di sana hindi ako dito dumaan o nagabang ng masasakyan.


"Isa" sigaw nito dahil medyo nakakalayo na ako

Pero bilang lang yan at ako to. Its me only? Tama ba? Akala niya naman, hello marunong din akong magbilang noh, kahit 1-100 pa yan.

"Dalawa"sigaw ulit nito


Ano bang mayroon sa pagbibilang at biglang nagpapakaba ito ng tao? Noong kinder naman ako hindi ako kinakabahan pag nagbibilang kami ng 1-10?


"Tat..." sigaw pa sana nito pero huminto na ako dahil naiirita na ako sa ginagawa niya. Putek eh daig ko pa ang kasali sa tokhang sa takot at pagkailang eh.



"ANO BA PROBLEMA MO? NAMO KA EH!" Yamot kong sigaw dito



"Mas inamo ka eh!! Mahal kita! MAHAL NA MAHAL KITA!!" Ganting sigaw nito dahilan para mapahinto at mapatingin ang mga tao sa paligid namin.



"Anak ng tokwa naman oh" bulong ko sabay kamot sa ulo


=========================

Teaser pa lamang ho ito!

Eto na po ang bago kong istorya sana po pagtiisan at suportahan niyo din kung may oras kayo. Hindi ko maipapangakong may aral ito hahaha pero baka lang mag-enjoy kayo.

After christmas pa po siguro ang unang chapter nito haha. Teaser nga kasi to. Haha

Salamat!

Anak ng TokwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon