Author's note: the title of the story has two meaning. Soon you'll gonna find out! :')))
PROLOGUE
♪Empty spaces fill me up with holes...
Distant faces with no place left to go
Without you within me I can find no rest
Where I'm going is anybody's guess♪
Nag-ingay na naman ang cellphone ko. Text yun basta Incomplete ng BSB ang tugtog. Sino naman kaya ang nangistorbo sakin?
Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan kung sino ang nagtext.
"Cry." In-open ko at binasa ang message niya.
From: Cry
I love the way I can be having the worst day of my life & simply talking to you completely changes my mood.
---
*nice afternoon!:)
--end of msg--
Napabuntong hininga na lang ako. May punto siya. Ilang beses na nga bang nangyari yun? Na badtrip ako at nakatext ko lang siya ay nagbago na ang mood ko. Cry. Bagay sa'yo ngalan mo. Ilang beses na akong napaiyak dahil sa'yo eh.
"haaayyy…"
Hindi ko nga alam kung bakit ko siya minahal gayong bawal. Ironic no? kailan pa naging bawal ang magmahal? Sa sitwasyon ko lang siguro. Pero bawal ba talagang mahalin ang bestfriend mo? Sa iba malamang hindi, pero sa akin, oo. Lalo na kung kaibigan lang talaga ang turing niya sa'yo. Masakit diba? Kailan nga ba ako nahulog sa bestfriend ko? Hindi ko na halos matandaan. Ilang buwan na rin akong nagpapakatanga. Hindi ko man alam ang eksaktong date kung kailan ako nahulog sa bestfriend ko, ngunit klarong-klaro pa sa isip at puso ko kung anu ang pinagmulan ng lahat.
BINABASA MO ANG
The Princess' Cry
General Fiction[COMPLETED-Soft Copy Available] Sometimes love just ain't enough.