Prologue

3.3K 80 4
                                    


BOoggSShhh...


Lang'ya nadapa pa ako! Sungalngal ang mukha ko sa simento. Hello! First kiss ko mga 'tsong. Ayun oh!  Na print pa ata sa mapula-pulang amoy floorwax na hallway ng school na'to.



Shet lang! Tumulo pa ata laway ko sa sobrang sakit. Pero wait a minute, bakit kakulay ng sahig ang laway ko? DUGO? UWAAAHHH  ang nguso ko. Lang'ya namang life 'to oh! Kung Bakit pa kasi dito ko naisipang mag practice lumangoy? Sa sobrang excited, di na ako naka abot sa pool at nag dive na ako dito. Take note, it's a mighty freestyle move. Una mukha!



"A-aww. Ang sha..ket!" nabali pa ata ang precious hips ko kaya di ako makabangon. Pinilit kong umupo at pagapang na sumandal sa pader. Pero ang madlang pepol,  ABAH! audience lang sa teledrama ko dito. Wala bang naka-isip dalhin ang beauty ko sa clinic? Wala ba kayong sympathy to someone who's struggling between life and death. MGA WALANG AWA! 



Naman oh! Naiiyak na ako dito ah. But it's a big no no to me kasi sabi ni papa I'm a tough girl. Pinahid ko na lang ang pulang laway ko. Gross! Para akong bampirang nakadakmal ng biktima sa hitsura ko!



Nahihilo na ako. Umiikot pa ang paningin ko. I tried eye to eye contact para 100% sure ang audience impact nitong melo dramatic slash horror show ko. Hanggang sa... na stranded ang mata ko sa isang tao. I mouthed HELP. Nakita kong humakbang siya.



"Oh my God Sharie! What happen? Somebody help her!"  nakita kong patakbong sumugod si Jannah. Naghe- hysterical pa ang bruha na niyugyog ang mukha ko. Mas lalo tuloy umikot ang paningin ko sa ginawa niya.



There, I saw him again.  Naglalakad na siya palayo sa'kin. I helplessly close my eyes.



He's the guy I never thought to be my hero. And maybe.. . he will never be!

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon