A/N:
finally~!!! welcome december uwu!
Chapter 14
Out of the line
Ano'ng laban ko dun eh mahal niya yun. Samantalang ako boss lang niya.
They said love is the most powerful thing in the world. Kaya kahit ano'ng gawin mo, kung mahal talaga nila ang isa't isa, hindi mo sila masisira. You are just going to be the villain in their love story. Yung mang aapi ng bida, at luhaan na uuwi sa huli sa ending ng istorya.
Naglakad ako hanggang sa makarating papasok ulit sa loob ng hospital. Hindi ininda ang sakit ng puso. Hindi ko alam. Para'ng kusang lumakad ang mga paa ko palayo doon sa lugar na iyon. Masyado ako'ng nasaktan kahit hindi naman dapat.
Inexpect ko na yun eh. Na hindi ako yung pipiliin niya. Syempre wala lang ako sa kanya. Sino ba naman ako para piliin niya diba? Ni hindi nga dapat ako nagrereact ng ganito. I have no rights to question his answer.
Who am I to question him? So why would I bother asking him when I don't even give a damn.
Mabilis ko'ng ipinahid ang mga luhang lumandas mula sa aking pisngi at sumakay sa elevator. I shouldn't cry. Mizuki, Iniiyakan mo siya? He's nothing compared to you who is a member of a royal family.
Pero kung minamalas ka nga naman.
"Hey Mizuki... it's been a long time. Wow? your're wearing a hospital gown... what happened?" Tanong ni Kitkat habang tinitignan pa ang kabuuan ko. Tinaasan ko siya ng kilay at humarap sa kanya.
"Nakita din naman kita pero hindi ko tinanong kung bakit ka nandito." Inirapan ko siya.
Bitch. Mahinang bulong ko pa at mabilis na lumabas nang magbukas ang pinto ng elevator sa floor na pupuntahan ko. Pumasok ako sa loob ng room ko at mabilis na humiga roon.
Tumunganga lang ako sa white ceiling at hinayaan maglayag ang isip kung saan saan.
What If I call Lianna and tell her my problems?
No, Mizuki. Madami ring problema si Lianna. Dahil bukod sa kabaduyan niya ay marami rin iyong pinagkakaabalahan.
Naisip ko, nito'ng mga nakaraang araw, hindi ko na narinig kay Shawn kung tumatawag pa ba si Mommy. Ang huling usap namin ay noong nagalit siya sa'kin dahil nagbook ako ng flight.
At nito'ng mga nakaraang araw din, madalas na sumasakit ang puso ko.
Minsan pisikal
Minsan emosyonal.
Inayos ko ang sarili ko at inayos ang mukha. My God Mizuki. You're getting uglier and uglier day by day. Stop crying just because of that freakin man.
After all, he's just a man.
and I am a woman. With class and dignity.
"Pst!"
"Pst!"
"Pst! Pst!"
"Psssst!!!"
Kunot noo ko'ng hinanap kung sino ang nagsisitsit sa'kin. Luminga linga ako sa kabuoan ng kwarto at nanlaki ang mapupungay ko'ng mga mata ng dumako ito sa malaking glass window. Tanaw nito ang malalaking building ng Makati. At ang lalaking nakadungaw sa malaking bintana.
Kita'ng kita ko ang abo niya'ng mga mata. At ang kulay orange niya'ng buhok na natatamaan ng sinag ng araw. Nakaupo siya sa isang metal na bagay na may tali na nasisiguro ko'ng nakatali sa roof top. Dahil kung hindi, malamang kanina pa siya nahulog.
Gulat ako'ng napatingin sa kanya at umawang ang labi dahil sa kaba'ng nararamdam ng makita ang pwesto niya. Kumaway-kaway pa ito sa akin at ngumiti ng malapad. Maya maya pa ay lumapit ito ng kaunti sa malaking glass window at kinatok iyon. Sa gulat ay hindi ako nakapag react.
BINABASA MO ANG
My Butler Boyfriend
Novela JuvenilWould you pay attention to your drop-dead gorgeous butler? Published: 08/29/19 - 07/21/20 ©️trumpetxcreeper
