Chapter 34
What is a friend?"Saan ka nga pala napunta nung isa'ng gabi, Lianna?" Tanong ko kay Lianna habang binubuksan ang banana milk na nabili ko. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Lunch break na at wala na kami'ng sunod na pasok dahil may meeting ang mga professors. Gusto sana namin magpunta sa bago'ng café sa harap ng school kaso we're too tired to walk na. At isa pa, hindi na siya makapaghintay kanina na ikwento ko ang lovestory namin ni Shawn. Wow! Lovestory talaga?
Ewan ko ba. Simula nung naging kami, kung sweet na siya last time, mukhang nung umulan ng asukal e siya ang sumalo lahat. Super duper sweet na siya! Hindi na extra sweet! Lumevel up! At kapag naaalala ko siya, feeling ko may mga butterfly sa stomach ko.
Shit talaga! Totoo pala yung mga nasa libro. Dati rati'y nababasa ko lang. Pero ngayon! Argh! Kinikilig talaga ko e. Lalo na kapag nakikita ko ang tatlong singsing sa daliri ko! Hahahaha! Dinaig ko pa ang kinasal dahil mas marami pa ang singsing ko sa kanya.
Naramdaman ko ang kirot sa kamay ko.Inis ako'ng napatingin kay Lianna.
"Huy! Kainis ka ah! Simula nung nagka boyfriend ka ay hindi mo na ako pinapansin at lagi'ng nasa kalawakan ang isip mo. Lagi ka pa'ng nakangiti. Creepy mo, gurl!"Natatawa'ng bumaling ako kay Lianna.
"Sarap pala magka-jowa, noh?"Umismid siya at ngumiwi.
"Aba ewan ko! May jowa ba 'ko?"Lalo pa'ng lumakas ang pagtawa ko. Maya maya pa ay inayos ko na ang sarili ko at tumigil na ako sa pagtawa. Nakakabaliw talaga!
Nagpatuloy kami sa pagchikahan ni Lianna habang kumakain nang tumunog ang phone ko.shawnmyloves<3 calling...
Nakalimutan ko sabihin! Siya nga pala ang nagset ng nickname niya sa phone ko. Nilagyan ko lang ng heart emoji at dinagdagan ng myloves. Dati kasi Shawn lang yun. Pati sa kahit ano'ng socmed ko ay siya na ang nagpalit ng nickname ng chatbox namin. Pero ako ang nagpalit ng relationship status ko sa facebook for the first time.
Ngumisi ako. Tumingin ako kay Lianna na gusto na ako'ng sampalin dahil sa pagka-bitter.
Tumawa ako at kinuha ang phone ko."Hello." Lumukso ang puso ko nang marinig ang malalim niya'ng boses. Pinigilan ko ang pag ngiti at tumikhim.
"Hi!" I started.
"Milady, are you still on school?"
"Yep. Pero tapos na ang klase ko. Kaya pwede na ako'ng umuwi.
"Hmm. Good."
Alam ko'ng hindi niya ako masusundo ngayon dahil may gagawin daw siya. Todo sorry pa nga siya sa'kin kahit hindi naman niya first time na hindi ako masundo sa school.
"Uhmm... B-bakit ka nga pala tumawag?" naiilang na sagot ko. Bakit ba ako nauutal? para'ng tanga naman,e! Si Shawn lang 'to! Para'ng hindi ko naman siya tinatawagan dati at binababa agad nang hindi pa naririnig ang sagot niya.
"Are you available tonight?"
Nanlaki ang mga mata ko.Wait lang! Inaaya niya ba ako'ng mag ano? mag date! hala! Sobra'ng assuming ko naman! Naalala ko yung sinulat ko'ng list sa diary ko dati.
Keep your cool. Kapag nagtanong siya sa'yo kung pwede ka sa ganitong oras,wag ka'ng mag-assume agad.Baka ma-hurt ka sa huli! Malay mo ba e baka nagtatanong lang siya sa'yo kung pwede ka sa ganong oras dahil gusto niya'ng magpatulong sa isa'ng bagay. Don't be so desperate and assuming. Ikaw din. Baka ma-hurt lang ang feelings mo.
BINABASA MO ANG
My Butler Boyfriend
Teen FictionWould you pay attention to your drop-dead gorgeous butler? Published: 08/29/19 - 07/21/20 ©️trumpetxcreeper