Chapter 28
Losing"Malapit ka nang ma discharge, anak." Natutuwang saad ni Mommy Ayesa.
Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng breakfast. Pagkatapos ko ay kinuha na ni mommy ang kinainan ko at binigay sa nurse. Nagpaalam siya sa'kin na bababa muna siya at may bibilhin. Tumayo ako at pumunta sa cr hila-hila ang dextrose ko. Kaya ayoko ng ganito e! May excest baggage pa!
Matapos ang ritwal ay tinignan ko ang sarili'ng repleksyon sa salamin.
Ang pangit ko!! Sobra'ng putla ng mukha ko at nangingitim ang mga labi ko. Ganito ang side-effects sa'kin ng mga gamot na iniinom 'ko.
Cardiomyopathy.
Ayan ang sakit 'ko. My heart is unable to fully pump the blood all throughout my body which it results to heart failure. Kaya nahihirapan 'din ako'ng huminga. Nung una, medyo nahirapan ako dahil sobra'ng laki ng binagsak ng katawan 'ko. My first operation was when I was 15 years old. Akala 'ko, hindi ko kakayanin. Dahil bihira lang daw ang mabuhay ng ganong may sakit. I need to let go people and stay away from them para kahit na mamatay ako ng di oras, hindi sila masasaktan. Wala ako'ng magawa 'e. That's my faith. I just need to trust God to keep me alive. Kahit na minsan, sobra'ng sakit na. May mga araw na lumalaban nalang ako dahil naniniwala pa ako sa Diyos.
That's why I envy people who have ordinary life. They can do physical activities while I cannot. Kaya siguro nung sumakay kami ng rides ni Shawn ay na-confine ako. Pero atleast, once in my life,naranasan ko siya. To live a normal life for hours. With the man who appreciates me. Akala ko okay na 'ko. Hindi ko alam na mas lumala pala. Kanina, I heard my doctor said I need to be operated as soon as possible, kung hindi, mawawala ako sa mundo.
Inayos ko ang mukha ko at nagsuklay ng buhok. Lumabas ako ng bathroom hila-hila ang dextrose ko at bumalik sa higaan. Maya-maya pa ay dumating na si mommy kasama si Shawn.
"Milady." tawag niya.
"Bakit?"
"Pwede ka nang umuwi mamaya. But you can't go to school. Magpapahinga ka lang sa bahay." Inilipag niya ang dala niya'ng basket na may lamang prutas sa table na nakaharap sa malaking glass window na kita ang skycrapers ng Makati. Naalala ko bigla yung lalaki'ng nakasabit sa parang swing at kumakaway-kaway pa sa'kin through the window! Baliw ata 'yun, e!
Lumingon ako sa kanya.
"What? no! Ayos na ako, Shawn. Bakit pa ako mananatili sa bahay? para na rin ako'ng nasa hospital kapag ganoon!" Pa-histerya'ng saad ko.Bumuntong hininga siya ng para'ng wala nang magawa.
-- -- --
"Ano ba! Bakit ka ba tumawag? nasa campus pa ako!" Inis na sigaw ko kay Lianna habang hawak ang cellphone.
"Bes! Kain tayo! Pasundo ka nalang sa butler mo, ah! text ko sayo yung address, mwuapss!" at ibinaba niya na ang tawag. Baliw ba siya?!
Inis ko'ng kinuha ang Lancaster black backpack ko at isinukbit sa likod. I'm still wearing a satin blouse and my school skirt with my new Repetto Black Pattent Fodo Oxford. Infairness, namiss ko ang magsuot ng ganito sa loob ng campus. Sinuot ko nga 'din pala yung
relo'ng nakalimutan ko suotin nung nagroller-coaster ride kami! That white Samsung galaxy Fit E watch.Lumakad ako palabas ng campus at huminto sa gilid ng driveway. Kung akala niyo na nasa labas na ako dahil may driveway na, it's a big no. I'm still inside and there's a driveway under the bridge passage. Luminga-linga ako. Saan ba ako napunta?
Tumalikod ako at babalik na sana sa pinanggalingan nang bigla'ng humarang ang lalaki'ng nasa harap ko.
Lumakad ako sa gilid niya para makadaan. Bigla naman siya'ng sumunod sa pupuntahan ko.
BINABASA MO ANG
My Butler Boyfriend
Teen FictionWould you pay attention to your drop-dead gorgeous butler? Published: 08/29/19 - 07/21/20 ©️trumpetxcreeper