Chapter 12

104 11 1
                                    

Chapter 12
Fear

"Miss Mizuki! Miss Mizuki! Gising na po!!"
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Kinusot kusot ko muna ang mapupungay ko'ng mga mata bago tumayo at inumin ang tubig na nasa bedside table.

Bakit ba inaantok pa'rin ako? Samantalang buong araw  na ako natulog? Haish!

Lumakad ako papuntang pintuan at inis na binuksan yon.

"What?!" Inis na tanong ko kay Madonna.

"M-miss, Ito na po ang u-uniform niyo..." Sabi niya at iniabot sa'kin ang uniform ko.

"You may now leave."

"Yes mis—" hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ng mabilis ko'ng kinalampag ang pinto at sinarado yun.

Kaaga aga pangit na mukha niya agad ang makikita ko?? Bwisit!

Pumasok ako sa bathroom at mabilis na naligo. At nang matapos ay agad ako'ng lumabas at tinignan ang sarili ko sa salamin.

I smiled sweetly.

Goodmorning Beautiful!

Binalewala ko nalang ang kagandahan ko at mabilis na inirampa ito pababa.

"Goodmorning, miss." Mabilis na bati nilang lahat. Nagtaka naman ako.

"Ang aga ha. Wag niyo ko'ng binubuysit dahil lang sa nakikita ko ang mga pangit niyo'ng mukha." Inis na sabi ko sa kanila at napayuko naman sila.

Mabilis ko'ng tinapos ang breakfast ko at mabilis 'ring pumunta sa labas para sumakay sa kotse ko.

"Goodmorning!" Masayang bati ni Shawn. Tinignan ko lang siya at mabilis na tumango.

Wala ako'ng gana makipag plastikan ngayon. Kaya please lang. Wag ka'ng ngingiti ngiti diyan na akala mo close tayo.

"Badmood ka?" Tanong niya pa ulit na mapansing ang tahimik ko.

"What do you think?" Sarkastiko ko'ng sagot.
Hindi siya sumagot kaya naman mabilis ko itong pinagpatuloy.

"Kung badmood ba ako ay magtatalon ako dito ngayon sa kotse ko at sasabihin sayo na ang lungkot ko?" Inis ko pa'ng sabi.

Natawa naman siya.
"I'm sorry okay?"

Psh. Common sense.

Nginiwian ko lang siya at tumingin ng diretso sa daan.

"H-hey, Mizuki... sorry na." pagmamakaawa niya pa.

Hindi ko siya pinansin.

"Mizuki... sorry na kasi..." inis naman ako'ng nilingon siya.

"Tumigil ka na nga." Inis na talaga ko'ng sabi.

"No. Hindi ako titigil!" Pagmamatigas niya pa.

"Ano ba'ng pwede ko'ng gawin para mapatawad mo ako?" Seryoso niya'ng sabi.

Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?

"Magmaneho ka."

"Yun lang pala e—"

"Nang naka pikit." Inis ko'ng sabi at agad naman siyang nag iwas tingin.

"W-what?" Gulat niya'ng sabi.

Di ko na napigilan ang sarili ko at mabilis ako'ng tumawa ng malakas. Yung tipong maiinis siya. Humawak pa ako sa tiyan ko sa sobrang tuwa.

"Psh." Singhal niya.

"Bakit ba kasi pinapakielaman mo pa ako? Trabaho mo ba'ng pakielaman pati ang nararamdaman ko?" Pahina ko'ng sabi. Takha naman siya'ng lumingon sa'kin.

My Butler Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon