Chapter 32

48 3 0
                                    

Chapter 32
Lick

Pumasok ako sa mall at dumiretso sa isa'ng kilala'ng brand. Bumili ako ng damit.

Ang napili ko'ng suotin ay ang adidas sweatshirt at ang gray na joggers na binagayan ko ng black na rubbershoes. Wala ako sa mood pumorma ngayon at maglagay ng kolorete sa mukha. Kaya pinatungan ko nalang ang mata ko'ng namamaga ng sunglasses. Hinayaan ko lang ang buhok ko na nakalugay. Pagkatapos ay lumabas na ulit ako ng mall at dumiretso sa bahay ni Lianna.

Pagkapasok na pagkapasok ko pala'ng sa bahay nila ay rinig ko na agad ang boses ni Tito Marcos na kausap si Lianna.

"Don't be stubborn, Lianna! Pupunta ka dahil ayon ang napag usapan namin ng pamilya niya! Please. Obey me this time. Magdi-diner lang naman kayo kasama siya. Pupunta din kami ng mommy mo." Tito's voice thundered around their house.

"But dad!" Lianna cried.

"No buts. Pupunta ka mamaya." He said with finality before leaving the house.

Maya-maya pa ay nakita ko na si Tito Marcos na nakasuot ng tuxedo na may dala'ng attache case. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at lumapit sa'kin.

"Oh! My daughter didn't told me na pupunta ka. Mabuti naman at naisipan mo'ng pumunta ulit." He started. Tumango lang ako at nagulat ng kuhanin niya ang kanang kamay ko at inusod ang sleeves ng sweatshirt ko. Nakahinga siya ng maluwag nang makita na suot ko ang relo.

"Thanks God! Mabuti naman at sinuot mo na, Mizuki.I'm so worried about you kapag hindi mo sinosuot iyan." Kinuha ko ang kamay ko sa kanya at umiling.

"No need, tito.Okay na naman po ako."

"Hmm. Okay. I need to go. Just come to my hospital kung may nararamdaman ka ulit."

Ngumiti lang ako at pumasok na sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay nakita ko si Lianna na nakasimangot at hawak ang phone. Binato ko siya ng unan na nakalagay sa sofa nila.

"Aray!" Inis siya'ng bumaling sa'kin. Pero nang makita niya ako ay nawala ang ekspresyon sa mukha niya at napalitan ng ngiti.

"Bes! Nandiyan ka na pala."

Umirap ako.
"Ay wala pa! Multo lang ako na nakatayo ngayon sa harap mo."

Tumawa lang siya at hinila na ako sa dining room.

"Kumain ka na ba? ipagluluto kita"

Napangiti ako sa sinabi niya.

Simula pa dati, siya ang magaling mag luto sa aming dalawa. Kabisado niya nga ang kitchen namin dahil sa twing doon siya matutulog sa bahay ko ay siya ang nagluluto ng kakainin namin. She's not like the others. Hindi niya gusto ang fast food chains. Gusto niya ay ang niluluto talaga. Si Lianna yung tipong hindi ka makakauwi ng bahay niyo ng gutom. Kaya siguro nagkasundo kami dahil isa na doon na na parehas kaming mahilig sa pagkain pero hindi tumataba.

"Ayoko ng rice, Lianna. Mag-bake ka nalang."

"Oh, sure ka? kumain na din kasi ako." napatingin siya sa'kin.

"Yeah." Tumango ako.

Nagsimula na siya'ng kunin ang mga gamit pa'ng bake. Nagsuot siya ng pink na apron at tinali ang shoulder length niya'ng buhok.

Maganda si Lianna. Ang buhok niya'ng diretso ay kulay black. Maputi 'din siya ngunit hindi gaya sa'kin na mukha'ng naubusan ng dugo dahil sa sobra'ng putla ng mukha. Ang eyebrows niya ay ang pinaka-importante sa kanya dahilan para hindi niya pa pinapagalaw kahit kanino iyon. Kahit sa professional make up artist pa. Ang mga mata niya ay kasing kulay ng buhok niya. She have this wide set black eyes na bumabagay sa matangos niyang ilong at sa maliit niya'ng labi.

My Butler Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon