Chapter 6

130 12 3
                                    

Chapter 6
Wound

Isang linggo na ang nakararaan ng nangyari iyon. I still can't get over. Bakit naman niya sasabihin iyon? Crazy ba siya?!

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok doon. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Miss Mizuki, tumatawag po ang Mommy niyo!" Napatingin ako sa kanya sa gulat.

"Talaga? Nasaan?" Tanong ko at tinuro niya ang baba.Wait?

LANDLINE?

Hindi ka pwede tumawag sa landline kung iba ang network ng bansa niyo. I don't know too much about this. I just knew that you can't call your home's landline kung nasa ibang bansa ka. And if naka lock yung landline niyo for international calls. Iyon lang. Ibig sabihin...

NASA PILIPINAS SI MOMMY?!

Sa sobrang shock ko ay napatalon ako palabas ng kwarto ko at tumakbo sa hagdanan. Kaso mukang ayaw makisama ng hagdan.

Nalaglag ako!

"Miss Mizuki? Jesus! Tulungan niyo si miss Mizuki!" Sigaw ni Madonna. Tinulungan nila ako makatayo ngunit binalewala ko lang sila.

Dumiretso ako sa living room kung nasan ang landline phone namin. Nakita ko'ng hawak iyon ni Shawn at nag uusap sila.

Calm yourself Mizuki. Huminga muna ako ng malalim atsaka iniabot ni Shawn ang phone sa'kin.

"Mom..." ako ang unang nagsalita.

"Mizuki. God! what the hell are you thinking huh? You are booking a plane ticket and a trip to Paris huh?! Are you even thinking?!  It's Europe, Mizuki! And you're going alone! You bitch!" Naramdaman ko ang nerbyos sa pagsigaw sa'kin ni Mommy. Kahit na sa phone niya lang ako pinapagalitan ay feeling ko nasa harap ko siya. What more pa yun diba?

"But, mom! You said I can do what the hell I want. So what now? I wanna go out of this country alone. Bakit nagagalit ka gayong ikaw mismo ang nagbigay sa'kin ng permiso?!" I'm shocked to myself. Dammit! Really Mizuki? You yelled at your Mom?!

"I CAN'T BELIEVE YOU MIZUKI! YOU SPOILED BRAT ARE NOT GOING ANYWHERE ALONE!" inilayo ko sa tenga ang telephone sa sobrang lakas ng boses  niya.

Naiyak ako.

"I already booked the plane ticket of Shawn. Siya ang kasama mo. Tandaan mo, Mizuki. I'm watching you. I have eyes of anywhere you go! Fuck this all off!" Aniya at ibinaba ang tawag.

Umiiyak na ako. Alam ko. Like tangina! Minsan ko nalang makausap ang nanay ko tapos ganon pa? What the hell did I do to receive this kind of pain?

I turned my gaze to Shawn who's shocked from what he heard. Yeah. You're right Shawn.

I'm that kind of daughter.

Umiling iling siya at hinila ako paupo sa sofa. Anong gagawin niya?

"Manang can you get a tissue and first aid kit please." Wika niya at tumango lang si manang.

Nang dumating ang pinakuha niya ay binigyan niya ako ng tissue.

"Wipe your tears off. Ang pangit mo'ng umiyak." Saad niya na ikina kunot ng noo ko.

"Nang iinsulto ka ba?" Inis na tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Lumuhod lang siya sa harap ko at kinuha ang paa ko't inilapag sa binti niya at nagsimulang gamutin ito.

"You've got so many wounds. I bet 500 bucks you'll have a scars for this." Humagalpak siya ng tawa habang ginagamot ang paa ko.

"Asshole!" Napairap nalang ako. How can this man have guts to insult me? like hey! I'm your freakin boss!

Tawa pa'rin siya ng tawa hanggang sa madiinan niya ang pinakamalaking sugat.

"OUUCCCH!" Sigaw ko sa kanya.

"Wait calm. Hindi ka mamamatay diyan." Hoy! nanggigigil na'ko dito. Pigilan niyo kooo!

"Gusto kita'ng murahin!" Saad ko sa inis. I runned my fingers through my hair at tinitigan siya ng masama.

"Don't curse me baby. It's bad."
Natigil ang sistema ko. Nagkabuhol buhol ang hininga ko dahil sa gulat. Did I heared him right?

"Nagpahulog ka nalang sa hagdan pa. Bakit di nalang sa'kin ha Mizuki? handa naman ako'ng saluhin ka. Kahit gaano ka'pa kabigat. Worth it ka naman siguro saluhin."

My jaw literally dropped.

My Butler Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon