Pagkauwi ko ay umidlip muna ako. Wala naman kaming ginawa buong araw dahil buong araw kaming walang professor pero ramdam ko na pagod na pagod ako, hindi ko lang malaman kung sa pisikal ba o emosyonal. Nagising na lang ako nang biglang tumunog ang phone ko.
From: Unregistered Number
Kung gusto mo malaman kung nagsasabi ako ng totoo, pumunta ka sa coffee shop malapit sa Gravendelle University mamayang 7pm. By the way, this is Aeraun Ayala, law dept. representative.
Tumingin ako sa orasan, 4:35 na pala ng hapon. Nakatatlong oras din pala ako ng tulog. Sinilip ko ulit ang phone ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. May malaking parte sa akin ang gusto sundin ang sinasabi niya pero... Hindi ba't parang wala akong tiwala kay Narumi kung maniniwala ako sa sinasabi nitong lalaking 'to?
Bahala na. Tumayo muna ako para simulan ang mga dapat kong gawin. May mga requirements kasi na kailangan ipasa sa Miyerkules kaya kailangan ko na simulan ang iba para hindi na ako magahol.
Pumilas ako ng isang papel mula sa notebook na nakapatong lang sa lamesa at saka sinimulang isulat lahat ng mga kailangan kong tapusin. Matapos iyon ay nagsimula na akong mag-dissolve ng cases.
Marami na rin akong nagawa makalipas ang ilang oras. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatingin sa orasan, 6:30 na ng gabi. Naalala ko na naman tuloy 'yong text sa akin nung representative ng department namin. Pero kung iisipin, bakit niya sinabi sa akin 'yon? Ano naman sa kanya kung tinatraydor talaga ako ng kaibigan ko? May galit ba siya kay Narumi? O may kailangan ba siya sa akin kaya nagpapa-goodshot siya?
Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maghilamos. Hindi ko naman na kailangan magpalit ng damit dahil naka-hoodie na ako at shorts. Pupunta ako sa coffee shop na sinasabi no'ng kaibigan ni Joaquin. Hindi ko rin alam. Sa tingin ko kasi may kailangan akong malaman. May malaking parte sa akin ang gusto maniwala sa sinasabi nila tungkol kay Narumi.
Kung makikita man ako ni Narumi na nandoon, malaya naman siguro ako bumili ng kape sa kahit anong oras ko gugustuhin, 'di ba? Right. What a great excuse. Hay.
Lumabas na ako ng apartment at nagtungo sa coffee shop na sinasabi ng representative ng department namin gamit ang bike ko. Gabi na rin naman kaya hindi na masyadong nakakapagod magbike kahit medyo may kalayuan pa rin ang apartment ko sa university. Bumaba agad ako sa bisikleta ko at ikinadena ito katabi ng iba pang bisikleta sa labas ng coffee shop. Sumilip muna ako sa loob para tignan kung nasaan sila Narumi.
Wala pa sila? Sumulyap ako sa relos ko at nakitang 7:23 na ng gabi. O 'di kaya ay wala talaga silang balak pumunta dito?
Pumasok na ako sa coffee shop para bumili ng kape. Sayang naman ang pagpunta ko dito kung hindi ako magkakape, 'di ba? Kung wala talaga sila Narumi dito, maybe I should just buy myself a drink. Sa tingin ko gamit na gamit ko ang utak ko kanina habang nagdi-dissolve ng cases.
"Pumunta ka."
Napalingon ako sa likuran ko nang may biglang nagsalita. 'Yong representative pala ng department namin, si... Aeraun Ayala ata ang sinabi niya sa text. Teka, bakit siya nandito? Hindi naman siguro 'to set-up lang para magawan nila ako ng masama, 'di ba?
"Wala naman sila, e." sagot ko. Ang tinutukoy ko ay sila Narumi at 'yong mga sinasabi nilang kasama niya sa pananraydor sa akin. Nagi-guilty ako nang sobra dahil bawat minuto, napapaniwala ako ng isip ko na nagsasabi sila ng totoo. Paano kung hindi pala totoo? Parang ako ang nagtraydor kay Narumi kung ganon... And she's all that I have, siya lang ang kaibigan ko. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko. Siya lang ang nakakaalam ng totoo kong nararamdaman. I feel right while in my mind, I'm doing the wrong thing.
BINABASA MO ANG
Tell Me What Love Is 𑁍
Teen FictionCOMPLETED. Gravendelle University Series #1. Friendship. Truth. Forgiveness. Healing. Trust. Love. Without these, can anyone ever live? Is it possible to live in someone's lies? Is it possible to live with an unforgiving heart? Can someone's life b...