Chapter 15

108 3 0
                                    

Alexis Gryleath Salvador's Point of View.

[Song Track: Listen Before I Go by Billie Eilish]

⚠️TRIGGER WARNING⚠️

"You're so selfish knowing na wala kang dinulot na maganda, nakikipagkaibigan ka pa!"

"You're so selfish knowing na wala kang dinulot na maganda, nakikipagkaibigan ka pa!"

"You're so selfish knowing na wala kang dinulot na maganda, nakikipagkaibigan ka pa!"

"345 pesos in total, ma'am."

"Aika, stop hurting yourself! You're hurting me too."

"Aika, don't worry... I'm here."

"Miss?"

Iniangat ko ang tingin ko nang may biglang kumalabog sa harapan ko. Sigh. I was spacing out again.

"Sorry, magkano po ulit?" tanong ko.

The cashier sighed and smiled at me. "345 pesos, ma'am." aniya.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at saka binayaran ang canned beers na binili ko.

"I received the exact amount, ma'am." aniya.

Hindi ko na inintay pa ang resibo at umalis na agad.

"Ma'am! Resibo po! Papagalitan po kami kapag Hindi kami nag-issue ng resibo." pahabol ng kahera.

Bumalik ulit ako doon at saka kukuhain na sana ang resibo pero,

"Saglit lang po," at saka siya nagpatuloy sa pagsusulat ng kung ano. Yumuko lang ako at saka tumingin sa paa ko. "H'eto po."

"Thank you po." I smiled a bit as the lady smiled back to me.

Muli akong naglakad paalis ng convenient store. Pagkalabas ko ay lumapit ako sa basurahan para itapon ang resibo, when something caught my attention.

May nakasulat sa likod?

"Cheer up!

The Lord is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit.

(Psalms 34:18)

Things might be hard for you, but open your eyes and see the people that God has sent for you. Open up. You are loved."

I scoffed. Nilukot ko ang papel at saka tinapon ang resibo sa basurahan.

I let the cold breeze touch my face and mess my hair more. Inilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng hoodie na suot-suot ko at saka naglakad papunta sa isang abandonadong building. I'm already alone pero gusto kong lumayo pa sa tao. Gusto kong mapag-isa, na ako lang talaga ang taong nandoon.

"It's been a while.." komento ko.

Simula nang nag-third year college ako, hindi na ako nakakapunta sa building na ito, abandonado at tila wala nang balak ang gobyerno na ayusin. Naaalala ko na ang huli kong punta rito ay noong namatay si Yanna, nagsimula naman ako noong namatay si daddy.

Sigh.

Pinuntahan ko ang lagi kong nilalagian dati kapag gusto ko mapag-isa — sa rooftop. May dalawang palapag ang building at ang rooftop ay walang harang. It always seems like you are gonna die any moment, sabayan mo pa ng malakas na pag-ihip ng hangin. Hindi ko matandaan kung dati ba ay takot ako sa matataas na lugar dahil ngayon naman ay hindi. If I'm gonna die, I'm gonna die. Mabuti pa nga, e.

Tell Me What Love Is 𑁍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon